CHAPTER 2: THE TEMPTED CRUISE

1315 Words
Napatulala ako sa laki ng cruise ship na natatanaw ko sa di kalayuan. Diyaan ako mananatili ng isang buwan? Ang laki, at parang nakakatakot ang dambuhalang sasakyang pandagat. Pano pagnag-ala Titanic ito? Ito ang unang beses na sasakay ako ng barko, kahit eroplano ay hindi ko pa din nasusubukang sakyan. Walang ibang kamag-anak si tita Betina maliban sa ama ko kaya naman wala kaming binibisitang kamag-anak o inuuwiang probinsya. Nanatili kami sa iisang lugar sa loob ng mahabang panahon kaya hindi ko pa nasusubukang bumyahe. "Gab, pinabibigay ni senyora. Ikaw na raw ang bahala." May inabot sa akin ang driver na naghatid sa akin dito. "Salamat po, kuya Roy." Hindi na siya bago sa akin dahil isa din ito sa mga pinakamatagal ng nagtatrabaho para sa pamilya nila senyora. Isang cellphone ang inabot niya sa akin, ito siguro ang gusto ni senyora na gamitin ko pangsend ng information sa kanya patungkol kay Gov. Hades. "Pinapatanong ni senyora Olivia kung nadala mo raw ba lahat ng sinabi niya?" Tanong ng driver. "Opo." Iyong invitation at pasaporte lang naman ang ibinilin ni senyora. Tapos itong fifty thousand pocket money na ibinigay niya. Hindi ko naman daw kailangan ng malaking pera dahil libre ang pagkain sa loob. "Kung ganon ay maiwan na kita." Pumasok na ito sa loob ng sasakyan at iniwan na ako. Nang ako nalang ang mag-isa ay mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay isa akong maliit na hayop na ipapasok sa lungga ng mga leon. Paano ay mapaghahalataang ako lang ang bukod tanging mahirap na naliligaw rito. Naggagandahan kasi ang mga sasakyang ipinapasok sa loob ng cruise ship samantalang ako, eto, mag-isang naglalakad sa gangway para makapasok sa loob. Sa totoo lang ay nasurpresa pa nga ako na may nagbabantay pa pala sa side na to dahil para namang lahat ng pasahero ay doon sa may gangway ng mga sasakyan dumadaan. Ipinakita ko sa kanila ang puting invitation na ibinigay sa akin ni senyora. Sinuri nila iyon at tiningnan, hiningi din nila ang passport ko. They gave me a weird look. Oo na, alam ko naman na wala sa mukha ko ang kayang makaafford sa cruise na to, but here I am. "Welcome to Tempted Cruise, madam Gabrielle." Halos malaglag ang panga ko sa itinawag nito sa akin. Ako? Madam Gabrielle? Ang expensive ko naman pakinggan. At ang mas nakakahiya pa ay mayroong naghatid sa akin na steward papunta sa magiging kwarto ko. Wala naman akong ibang bitbit kundi itong bukod tanging duffel bag na meron ako. Nakuha ko nga lang din to dahil naging varsity player ako sa volleyball noong high school. Pero buti nalang at sinamahan ako ng steward dahil sa sobrang laki sa loob ay siguradong nagkanda ligaw-ligaw na ako. Paano ko kaya hahanapin si Gov. Hades sa napakalaking lugar na ito? Pakiramdam ko ay nagmumukha na akong timang sa ibang tao, paano ay hindi ko mapigilan ang pagluwa ng mga mata ko, at ang pagnganga ng bibig ko sa sobrang pagkamangha sa ganda ng lugar na ito. Parang isang napakalaking mansion ang loob ng cruise ship. Magkano kaya ang ginastos ni senyora para maipasok ako rito? Kailangan ko talagang pagbutihan itong misyong ibinigay sa akin. Bukod sa makakatulong ito sa operasyon ni tita Betina ay isang once in a life time experience itong ibinigay niya sa akin. Pumasok kami sa elevator, pati yun ay ikinamangha ko pa. May elevator sa loob ng cruise ship! At para talaga akong sinasampal ng kahirapan dahil pati ang loob ng elevator ay mas maganda pa sa nirerentahan naming apartment ng tita ko. "Here's your room, madam." Ang pinuntahan namin ay ang 2nd deck, kung saan ayon sa brochure na ibinigay sa akin sa entrace kanina ay ang parte ng cruise ship kung saan naroon ang mga kwarto ng mga guests. Hindi ata maubos-ubos ang pagkamangha ko sa lugar na ito. Paano ang kwarto ko ay mukhang isang buong bahay na. May sala, kitchen, malaking banyo kung saan may bathtub pa na akala ko ay hanggang pangarap ko nalang, pero heto at masusubukan ko na iyong magbabad sa bathtub para magrelax. Mayroon ding terrace kung saan matatanaw mo ang malawak na dagat. "Kyaaaaah! Ang saya!" Nagtatatalon ako sa tuwa, at nagdive sa kama. Napakalambot ng hinihigaan ko na para bang hinehele agad ako para matulog. But I'm not here to go on vacation. May kailangan akong gawin dito. Muli kong tiningnan ang brochure. Ayon dito ang 2nd deck hanggang 4th deck ay ang area kung saan naroon ang mga kwarto ng mga bisita ng cruise. Nalaglag ang panga ko ng mabasang mayroong isang libong kwarto para sa mga bisita. Paano ko mahahanap si Gov. Hades sa dami ng mga kwartong iyan? Baka matapos nalang ang isang buwan ay hindi ko pa naisa-isang bantayan lahat ng kwarto kung sino ang lalabas at papasok sa mga iyon. Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may kumatok sa pinto, kaya agad kong nilapitan iyon at binuksan. "Customary room service, madam." Iyong steward kanina na naghatid sa akin ang nasa labas at may cart itong dala ngayon. "Customary room service?" Tanong ko. "Dinadalhan po namin ng snacks ang bawat guest na dumarating habang hinihintay na makaboard po ang lahat. The Tempted Cruise will depart in an hour, madam." Pinatuloy ko na ito habang nagpapaliwanag. "I-I see. Iyon pala yun." Bulong ko. "Enjoy the snacks, madam." Iyon lang ang naging palitan namin ng mga salita. Mukha rin kasing nagmamadali ito. Sabagay, isang libo ba naman ang mga karto rito sa cruise. Tiningnan ko ang pagkain sa cart na dala nito. Napakaraming desserts and chocolates na halos ngayon ko lang nakita. May sandwiches din, at wine. Excited na akong tikman ang lahat ng iyon, and at the same time ay nakakadama ako ng lungkot. Mas masaya sana kung kasama ko si tita sa experience na ito. Sabay naming kakainin lahat ng masasarap na pagkaing ito, at pagkatapos ay magkasama naming lilibutin ang bawat sulok at pasyalan ng cruise na ito. Pero sa halip nasa hospital si tita at nakaratay. Napailing ako para maalis ang imahe ni tita Betina na nakaratay sa hospital sa isipan ko. Kailangan kong magawa ng maayos ang ipinapagawa ni senyora. Humihingi muna ito ng proweba na gagawin ko ng maayos ang ipinapagawa niya. Kailangang makita ko mismo ngayong gabi si Gov. Hades para makapagpadala ng pictures kay senyora, para maumpisahan na agad ang operasyon ni tita Betina. Kailangang may energy ako na libutin ang buong cruise ship mamaya, kaya kakainin ko na itong inihatid ng steward. Una ko munang binalingan ang mga sandwiches dahil talagang nakakatakam ang mga itsura nito. "Hhhmmmmmm! Ang sarap!" Ganitong ganito din ang reaksyon ko sa tuwing nag-uuwi si tita ng mga pagkain galing sa mansion. At dahil sarap na sarap ako sa kinakain ay sunod sunod ang naging kagat ko sa sandwich, dahilan para mabulunan ako. Kahit anong tapik ko sa dibdib ko ay ayaw bumaba ng nakabara sa lalamunan ko kaya agad akong nagsalin ng wine sa baso, it wasn't the best combination, pero ayos na din kaysa malagutan ako ng hininga dahil sa katakawan ko. At nang nawala na ang bara sa lalamunan ko ay muli ko na sanang babalingan ulit ang kinakain kong sandwich, nang makaramdam ako ng kakaiba. Parang bigla akong nahilo. Hindi lang basta nahihilo kundi parang nanghihina ang buo kong katawan. Anong nangyayari? Napatingin ako sa wine na ininom ko. Nalasing ba ako? Pero kakaunti lang naman ang ininom ko, at isa pa, bakit ganito na sobra akong nahihilo? Hindi ko na nagawang labanan pa ang pagkahilo ko at bumagsak ako sa sahig. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. At bago pa man tuluyang lamunin ng kadiliman ang ulirat ko ay nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at may tatlong lalaki ang pumasok sa loob. Natatakot man ay wala na akong nagawa dahil dumilim na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD