Unti-unti akong nakakakita ng liwanag. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan ng naging malinaw ang paningin ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nawalan ng malay, pero nagising ako na nasabsahig pa din.
Nang sinubukan kong kumilos ay doon ko lang napagtanto na hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Nakatali ang mga ito kaya naman agad akong nabalot ng takot. Mas domolbe pa iyon ng marealize kong wala akong saplot maliban sa bra at panty.
Nanginig ang buo kong katawan lalo pa ng maalala ko kanina bago ako nawalan ng malay na may nakita akong tatlong lalaki na pumasok dito sa silid ko.
Kahit limitado ang kilos ko dahil sa mga nakataling kamay at paa ay nilibot ko ng tingin ang paligid, at nasiguro ko na nag-iisa lang ako sa silid. Sisikapin ko sanang tumayo, pero bigla nalang bumukas ang pintuan at may apat na lalaking pumasok.
"Nagising na pala ang munting bubwit." Nakangising sabi ng lalaking nakasuot ng puting suit.
"A-Anong ibig sabihin nito? Bakit nyo to ginawa sa akin? Pakawalan nyo ko!" Sigaw ko rito.
"I don't think you're in a position to yell at me, little mouse." Dumukwang ito at hinawakan ako sa baba saka pinaharap sa kanya.
"Ganito nyo ba tratuhin ang mga guest ninyo?" Kahit natatakot na ay hindi ko iyon ipinapakita sa kanila.
"Guest?" Ulit nito, sabay marahas na binitiwan ang baba ko at muntik pang tumama ang ulo ko sa sahig.
Tumawa naman yung tatlo nyang ulopong na nakablack suit. Mukhang sila yung tatlong pumasok dito sa kwarto ko kanina bago ako nawalan ng malay.
"It's been a while since the last time someone underestimated the cruise's security. Do you guys remember what happened to that person?" Hinila ng lalaking nakaputing suit ang isang upuan at umupo sa harapan ko.
"Naging pagkain ng pating boss." Sagot ng isa sa mga nakaitim na suit, at nagsitawanan pa sila.
"But we can't let this one go to waste. Sayang naman kung magiging pagkain lang ng pating." Sagot ng boss nila, at gamit ang dulo ng sapatos nito ay muli nanamang inangat ang mukha ko at para bang sinusuri ako.
"A-Ano bang ginawa ko sa inyo?" Naiilang ako sa pagtitig nito sa akin, lalo pa at halos hubad na ako sa harapan nila.
"Do you plan to play innocent til the end, miss... what's her name again?" Baling nito sa mga kasama, pero sa halip na sagutin siya ng mga lalaking naka black suit ay inabot nila dito ang isang pamilyar na puting invitation card. "Gabrielle Fae Crisostomo?" Pagbasa niya sa pangalan ko. "Hindi uubra dito ang mga ganitong panggagancho!" Dugtong nya pa.
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Asik ko rito.
"Your damn invitation is fake!" Galit nitong sagot, at ibinato nito sa akin ang invitation at tumama iyon sa mukha ko.
"F-Fake?" Hindi makapaniwalang ulit ko. "Imposible! Si—" Hindi ko naituloy ang pagbanggit sa pangalan ni senyora Olivia. Sa susunod na araw na ang scheduled na operation ni tita Betina, at baka hindi iyon matuloy kapag nagalit si senyora sa akin. Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang operasyon ni tita. "There must be a misunderstanding, sir. Impossible pong peke ang invitation ko!" Pagbabago ko. Bakit naman gagawin ni senyora Olivia na pekein ang invitation? Sa yaman niya ay napakaimposibleng hindi nito maafford ang ganitong cruise.
"Sinasabi mo bang mga tanga kami?" Nagsalubong ang kilay nito.
"Hindi po. Pero imposible talagang maging peke ang invitation na yan." Sagot ko dito.
"Matigas din ang isang to. Dalhin nyo na yan bago pa ako tuluyang mainis sa paulit-ulit na tinatakbo ng pag-uusap namin. Baka ipahagis ko pa yan sa dagat." Galit na galit na ito.
Bigla nalang lumapit sa akin ang dalawang lalaking naka-itim, inalis ang tali sa mga paa ko, at hinila ako patayo.
"S-Sandali! S-Saan nyo ako dadalhin?" Nanginginig na ang boses ko sa takot, pero walang kahit na isa ang sumagot sa kanila. "B-Bitiwan nyo ko! San nyo ko dadal—mmphh!" Naputol ang pagsasalita ko ng lagyan nila ng busal ang bibig ko, hindi lang iyon, nilagyan pa nila ng piring ang mga mata ko bago ako kinaladkad palabas ng silid. At this point ay hindi ko alam kung ano ba ang mas mainam, kung ang hintayin ko kung saan nila ako dadalhin, o ang maging pagkain nalang ba ng mga pating.
Sa lakas ng dalawang lalaki na kumakaladkad sa akin ay kahit magpumiglas ako ay wala iyong nagawa. Hindi na din ako makasigaw dahil sa nakatakip sa bibig ko.
Matapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, at ilang saglit pa ay pilit nila akong ipinapasok sa isang masikip na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero hindi ako makakilos ng malaya, na ultimo ang mga paa ko ay hindi ko man lang maituwid.
Sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko, lalo pa nang sa tantya ko ay tatlumpong minuto na ang lumipas ay parang umiingay ang paligid. Napakaraming boses akong naririnig.
"Good evening, our dear guests! Welcome to Tempted Cruise!" Narinig kong anunsyo sa mikropono ng kung sino man iyong nagsasalita. "And thank you for choosing the 8th Deck as your first stop of the night. Let's start the auction now!" Puno ng siglang anunsyo ng nagsasalita at nagsipalakpakan naman ang napakaraming tao.
They all sounded happy, samantalang nagilabot naman ako sa narinig. Auction daw ba kamo?
"Let's start with our first item for tonight," Nagulat nalang ako ng biglang gumalaw ang kinalalagyan ko, at ilang saglit pa ay huminto nanaman ito. "Let's start with this little mouse we caught on board!" Matapos sabihin iyon ng taga-anunsyo ay biglang nagkaroon ng iba't ibang reaksyon ang maraming tao.
Ilang saglit pa ay may nagtanggal ng piring ko sa mata, at nakailang pagkurap ako ng mga mata bago luminaw ang paningin ko. Doon ko lang napagtanto na isang mala hawla ng ibon ang kinalalagyan ko. Sa bandang gilid ko ay isang lalaking may hawak na itim na tela at mikropono ang nakatayo. Nang tumingin naman ako sa harapan ko ay napakaraming tao na nakasuot ng maskara ang nakatingin sa direksyon ko, at ang ilan ay nagpapalakpakan pa.
"Tingnan nyong mabuti mga pinakamamahal naming bisita," Pagkasabi nun ng lalaking nasa tabi ko ay biglang tumutok sa akin ang spot light, hindi ako makakita ng maayos, pero hindi ko naman magawang umangal dahil sa nakatakip sa bibig ko. "Sino kaya ang magmamay-ari sa napakagandang munting bubwit na ito ngayong gabi? I'm sure you'll enjoy having her as your pet." Naghiyawan ang mga tao sa sinabing iyon ng lalaki. "Let's start the bid with 5 million pesos." Anunsyo nito.
Sandali, seryoso ba ito? Isinusubasta ba nila ako? Sino naman ang bibili sa akin sa ganoong halaga? Nababaliw na ba ang mga taong ito? At hindi ba't bawal itong ginagawa nila? Ilang sandali pa ay naalala ko ang sinabi ni senyora Olivia. Nabanggit niyang imoral ang cruise na ito, is this what she meant by that? Kasi may ganitong nagaganap dito?
"6 million!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw at nagtaas ng pulang bilog na plaka.
"10 million!" Lumipat ang tingin ko sa panibagong nagtaas ng plaka.
"We have 10 million at table number 7!" Turo ng lalaking nasa tabi ko.
"11 million!" Sigaw ng isa pa.
Mukhang hindi nga biro itong nangyayari. Ibinibenta nila ako! Hindi pwede, kailangan kong makawala rito!
Sinubukan kong sipain ang hawla, pero sa sobrang sikip ay tumama lang ang tuhod ko sa mukha ko. Mukhang mas ginanahan pa ang mga taong nakakakita sa akon dahil sa ginawa kong pagpupumiglas.
"12 million!" Hindi ako makapaniwala sa halaga na binibitiwan nila.
Hindi ko alam pero nakadama ko na napaka-unfair na may mga taong gumagasta ng ganito kalaking halaga para sa walang kwentang bagay, samantalang ako, kung mayroon akong ganoon kalaking halaga ay mapapagamot ko na si tita Betina. Makakabili na ako ng sarili naming bahay at lupa, pagkatapos ay mabibilhan ko na si tita ng mga magagandang damit, sapatos, mapapaparlor ko na ito, at madadala sa mga mahahaling restaurants. Masusuklian ko na ang lahat ng sakripisyo nito sa akin kung mayroon akong ganoon kalaking pera.
"Any one? For 12 million, going once... going—"
"50 million." May kumontra sa 12 million bid, na mas lalong nagpalula sa akin. Halos lahat din ay napatingin sa taong nagsabi nun.
"We have 50 million at table 19!" Iyon naman ang sunod na tinuro ng taong nasa tabi ko.
"51 million!" May lumaban sa bid na iyon.
"70 million." Ulit nung tumaya kanina.
"Unang item palang, pero bigay todo na kaagad ang ating mga bisita, for 70 million, going once... go—ing twice..." Binabagalan nito ang pagsasalita na para bang hinihintay na may lumaban sa 70 million bid. "Sold for 70 million!" Hiyaw ng taga-anunsyo. "Congratulations, this little mouse is officially your pet, mr. at table 19!" Todo ngiti ang lalaking nagsusubasta sa akin, samantalang ako nangingilid na ang mga luha sa mga susunod na pwedeng mangyari.
Nakita ko nanaman ang mga lalaking naka black suit, inialis nila ako sa stage, at muli nanaman nilang tinakpan ng tela ang hawlang kinalalagyan ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sunod na nangyari o kung saan nila ako dinala pagkatapos nun dahil wala akong nakikita sa loob kundi kadiliman.
Nawala na ang boses ng dalawang lalaki kaya pakiramdam ko ay iniwan na nila ako kung saan man itong pinaglagyan nila sa akin.
Natawag ko na ata lahat ng mga santo, idinasal na sana ay masamang panaginip lang ang lahat, na sana ay magising na ako, pero kahit anong dasal ang gawin ko ay nasa loob pa din ako ng masikip at madilim na hawla.
Ilang oras na akong nandito. Nagawa ko na ang lahat, pero wala. Hindi talaga ako makawala kahit pinagsisipa ko na ang hawla. Sumakit lang ang mukha ko dahil ilang ulit natamaan ng tuhod ko.
Natigilan ako sa pagkilos ng marinig kong bumukas ang pinto, at ang kabog sa dibdib ko ay sobrang lakas ng makarinig ng yabag ng paa na papalapit sa akin. Ilang sandali pa ay may nag-alis ang telang itinakip sa hawlang kinalalagyan ko.
Tumambad sa harapan ko ang isang lalaking nakasuot ng magarang suit, at nakasuot ng maskarang kulay itim.
Nakakatakot ang aura nito, lalo pa ang pagtitig na ginagawa niya sa akin.
"Hello, little pet." Saad nito, at laking gulat ko ng alisin nito ang suot niyang maskara.
Tumambad sa harapan ko si Governor Hades Ledesma.