C–1
“SERIOUSLY, his rules are so weird.” Irish rolled her eyes. “Hindi ba dapat sa kompanyang pinagtatrabahuhan mo pinapakita ang galing mo at hindi sa ibang kompanya?”
She let out a short sigh. “Well, that’s his rules. Kapag naman hindi ako bumalik dito sa Pilipinas, hindi ko makukuha ang promotion na matagal ko ng hinahangad.”
Nasa loob sila ng isang café. Kagagaling lamang nila sa airport kaya medyo pagod siya. Her bestfriend since college— Irish fetch her there.
“Exchange employee, huh? Pupusta ako, may sayad `yang boss mo.”
May katandaaan na rin kasi iyong boss niya sa London. She chuckled. “I can’t do anything about it. He’s my boss, his rules.”
Nang maka-graduate siya rito sa Pilipinas ay sumama na siya sa pamilya niya sa London. Doon na rin siya nakahanap ng magandang trabaho sa isang sikat na kompanya. Taon-taon ay may binibigay na uportinidad na ma-promote ang mga empleyado. Sa iba’t ibang bansa nadedestino ang mga empleyadong nabigyan ng uportunidad para sa promotion. Masyadong mapaglaro ang tadhana dahil sa dinami-rami ng bansa sa mundo, talagang sa Pilipinas pa siya nadestino. Ang bansang ayaw niya nang balikan.
“Saang kompanya ka naman nadestino? Hanggang kailan ka rito?” Tanong nito.
Kinuha niya ang mini notebook niya sa bag. Doon kasi nakasulat ang pangalan at address na pagtatrabahuhan niya. “Sa DLV Hotel & Resort Company ako nadestino. Dalawang buwan lang ako rito.” Her forehead creased when Irish looked incredulously at her.
“Are you serious? Am I heard it wrong?” Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin pa rin sa kanya. “Oh, my gosh! I can’t believe this is happening.”
Isang malakas na batok ang binigay niya rito. “You’re overreacting again.”
“That company is one of the popular companies here in the Philippines. It is also rule over the world and the CEO of that company is—”
She cuts her off then rolled her eyes. “Ganon din naman ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko sa London. Magkasosyo ang dalawang kompanya kaya nga dito ako nadestino `diba?” Beach Resorts at Hotels din ang business ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya sa London.
“Well, good luck, Isabella Alcantara. I hope you can fulfill your two months with the CEO of that company.” Irish grinned.
She can feel her heart beating so darn fast and so darn loud because of what Irish said. It seems staying in the Philippines was not a good idea.
“Of course, I can.” She stands up. “Let’s go.”
Nasa London ang kotse niya kaya ang kotse ni Irish ang gamit nila. Malaki ang pasasalamat niya at hindi sila naabutan ng traffic. Aayusin niya pa kasi ang kanyang mga gamit sa apartment na pansamatala niyang titirahan. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila roon. She tiredly sat down on the sofa.
“Bakit sa apartment mo pa naisipang tumira halip na sa condo?” Tanong nito. “Mayaman ka na kaya afford mo na `yon. Pinahirapan mo pa akong paghanapin ng apartment dito sa Manila.”
Maliit lang ang apartment niyang iyon. Kasama na sa renta ang mga gamit. Hindi naman siya pihikan. Hangga`t may matutuluyan siya ay ayos na iyon sa kanya. Tumayo na siya at sinimulang ayusin ang kanyang mga gamit sa kwarto. May maliit na kabinet na roon.
“Ayos na ako rito. Tyaka panandalian lang naman ako rito, eh.” Aniya.
“Medyo malayo ang bahay ko rito kaya mag-ingat ka. Lalo na’t pitong taon ka rin nawala sa Pilipinas.” Nag-aalalang sambit ni Irish.
Her eyebrow quirks up. “I’m twenty-five years of age now, Irish. I can handle myself.”
Humiga ito sa kama habang patuloy niyang inaayos ang kanyang gamit. “Anyway, ang laki ng ginanda mo, Isabella!” Irish chuckled. “Dating nerd noong college, akalain mong sexy hot lady na ngayon. Iba rin talaga ang epekto kapag nasasaktan ng sobra—”
“Shut up.” She grimly glanced at her.
Bumangon ito sa pagkakahiga. “Are you already moved on?”
A bitter smile furrowed on her lips. “Why would I have to move on?”
“Don’t fool yourself, Isabella. I know your reason why you migrated to London. I know it’s all because of Finch—”
“Yes, he’s the reason but I’m totally moved on now.” She grimly stated. “You know what? Just buy some foods.”
“Kakakain lang natin, ah?”
“Gutom na ulit ako. Bumili ka na.”
Wala na itong nagawa nang ipagtulakan niya ito palabas. She let out a deep sigh and went back to her room. Bumalot ang nakakabinging katahimikan habang inaalala niya kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Finch.
*FLASHBACK*
Maingat siyang naglalakad sa hallway ng kanilang campus habang yapos-yapos ang mga librong bitbit at bahagyang inayos ang malaking salamin na halos tumakip na sa kanyang mukha. Isa siyang scholar student sa sikat na unibersidad na pinapasukan niya.
Malapit niya nang marating ang locker nang may lalaking tumatakbo ang biglang bumangga sa kanya dahilan para mahulog ang kanyang mga libro at maging ang kanyang salamin. Akma niya ng lilimutin ito nang masaksihan niya kung paano unti-unting nadurog ang kanyang salamin dahil sa hindi sinasadyang apakan ng lalaking iyon.
“Sorry, Miss.” Nag-aalala nitong paghingi ng paumanhin at mabilis kinuha ang frame ng salamin niyang basag na. “Papalitan ko na lang.”
Kusang nawala ang inis na kanyang naramdaman ng masilayan niya ang kulay asul nitong mga mata. “H`wag na.”
Akma na siyang aalis dahil sa kakaibang kabog ng kanyang puso na ngayon niya lang naramdaman pero hinawakan nito ang braso niya para pigilan siya na nagbigay ng kakaibang kiliti sa kanyang tyan.
“Give me your number and your address. Sasamahan kitang magpagawa ng bago mong salamin.” Sumilay ang nakakatunaw nitong ngiti. “By the way, I’m Finch de la Vega.”
Linahad nito ang kamay sa kanya para sa isang simpleng hand shake. Muling binalot ng kaba at panlalamig ang kanyang dibdib nang magdikit ang kanilang mga balat.
“Isa…Isabella Alcantara.” Nauutal niya pang sabi. Kinuha niya ang cellphone nito at doon linagay ang kanyang cellphone number at address.
“See you tomorrow.” Paalam nito habang nakangiti ng matamis sa kanya.
Hindi niya akalain dahil sa simpleng ngiti nito ay mahuhulog ang kanyang puso para rito. Hindi niya rin akalain na masusundan pa ng maraming beses ang paglabas nilang dalawa na magkasama.