"C'MON, Denise. Wake up." Sabi ni Jayden habang tinatapik siya sa braso. Inis na nagmulat siya ng mata at tinignan ito. Kakatapos lang nito ulit magshower at nakatapis lamang ito ng tuwalya. Nakatingin ito sakanya habang pinupunasan nito ang basang buhok ng malinis na tuwalya. Bakit ganoon? Kahit simpleng galaw lang nito pakiramdam niya'y napakaguwapo nito? Nagrereflex pa ang muscles nito dahil sa pagkuskos ng buhok. How can her husband maintain a nice figure while working? "Bakit ba? Naaantok pa ako." Bagot na nasabi na lamang niya. Kumunot ang noo nito. "What? Naantok ka pa rin? Anong oras na. Ang haba haba na ng tinulog mo." Anito Napaismid siya sa inis. "Ano ba 'yon? Tinatamad 'yung tao." Napacross-arm ito at napahawak sa balbas nito. "Denise, what's wrong with you? Alam kong buhay

