PANIBAGONG araw ang lumipas. Nitong mga nakaraang araw ay ipinasyal pa siya ni Jayden sa mga nagagandahang lugar sa Melbourne. At lahat ng iyon ay tinatak niya ng maigi sa isipan. It's a journey to remember. Ngunit sa araw na ito ay napagdesisyunan nilang dalawa na maglagi lamang sa bahay. Tutal halos araw-araw rin silang lumalabas. Prenteng nakaupo ito sa mahabang corner sofa habang nanunuod ng T.V. Hindi niya maiwasan hindi mapalunok nang mapasadahan ito ng tingin. Nakasuot ito ng white polo sleeves. Bahagya pang nakabukas ang dalawang botones sa unahan kaya nakalitaw ang mabalahibong dibdib nito. Napalunok siya. Kailanman ay hindi siya naattract sa lalaking mabalahibo ang dibdib. Ngunit kakaiba kapag ang asawa. Tila mas bagay pa sa lalaki na mabalahibo ang bahaging iyon. Bumakat ang m

