PAGKABABANG pagkababa sa sasakyan, mahigpit nitong hinawakan ang pulsuhan niya at marahas siyang hinatak. Halos matapilok siya sa pagsunod rito. "Stop this bullshit, Jayden!" Nagngangalaiting sigaw niya sa lalaking madilim na madilim ang anyo. Pero tila bingi ito at hindi man lang siya pinansin ang sinabi niya. Mabilis nitong nabuksan ang main gate at malalaki ang hakbang na tinahak nito ang pintuan. Napalunok siya. "Jayden, don't tell me you are serious about this. Comeon, it's already past 2am. Lahat sila tulog na, guguluhin mo pa? Pwede naman nating pagusapan mamaya..." Suhestiyon niya upang malihis ang atensiyon nito. Ngunit matalim lang siyang tinignan nito. "I'm not that dumb Denise, i'm a businessman. Sigurista ako." Nakangising sabi nito. Nang makita niya ang katatagan at kaseryo

