NAGNGINGITNGIT ang kalooban niya pagkapasok sa kwarto. Hinubad niya ang damit at pasalpak na sumampa sa kama. Ibang klaseng lalaki! Hindi niya maintindihan ano ang gusto mangyari at palabasin ni Jayden. Why the f**k he need to act like a jealous boyfriend? For pete's sake, wala naman silang relasyon! What happened to them is just only a one night stand, nothing more, nothing less. At ang mas kinapuputok pa ng butse niya ay ang tila pagood image nito sa Papa niya. Gusto talaga nito na bidang bida sa Ama niya. Na ito ang responsable, mabuti at maasahan. Alam naman niya ang main target ni Jayden -- ang makuha ang kayamanan nila. Ano pa nga ba magiging rason nito? Alangan namang gusto lang nito magpakabayani at pakasalan siya dahil may nangyari sakanila? It's already 21st century. Hindi na ma

