"WHAT? Are you dead serious?" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Niccolo. Paimpit na tumango siya. She's dead serious. Walang rason para makipaglokohan siya. Kasal ang pinaguusapan dito. At hindi niya kaya na pati ang personal na buhay niya ay manduhan nito. A big no. Marriage is sacred. It is only for two people who'll love each other until infinity. Until forever. She may looked like an idiot, but she believed in forever. Kaya bakit iyon hindi man lang maintindihan ng Ama niya? Ni Jayden? Bakit? Ang Ama niya na kung makapagutos na pakasalan niya si Jayden na para bang namimili lang siya ng gamit. Kailanman, hindi niya naramdaman na minahal siya nito. Naalala niya noong kolehiyo siya, "Yaya, where's Papa?" Halos maiiyak na niyang tanong dito Naawang hinaplos naman nito ang likuran niya. "

