Chapter 2

2103 Words
MAINGAY sa loob ng bar. Maharot ang tugtog na sinasabayan ng kumpas ng DJ na nasa taas at pinaka-unahan. Saglit na sinanay ni Ysay ang mga mata dahil sa patay-sinding ilaw sa loob. Ang ingay! Sigaw ng isip niya. Maraming nagsasayawan sa gitna ng dance floor at sobrang harot sa totoo lang. Saglit niyang iginala ang paningin sa paligid bago siya nakipagsiksikan sa mga naroon. Ilang pares ng mga mata ang napapatingin sa kanya habang ang iba ay nakakunot ang noo. Ang ilang mga babae ay tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Makatingin kayo diyan. Hello? Mas maganda pa ako sa inyo ano! Umiral ang pagiging luka-luka niya. If I know, puro make up lang kayo! Inirapan niya ang isang babaeng nakita niyang pinagtaasan siya ng kilay.  Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa kinaroroonan ng bar habang hinaharabas ang mga taong nadaraanan niya. Hindi iilang beses na lihim siyang ngumingiti dahil marami na siyang naispatang guwapong lalake. Hindi niya napigilan ang munting pananabik. Sa loob-loob ay hindi siya nagkamali ng pinuntahan. Pero mukhang walang balak ang mga lalaking ito na pansinin siya o i-date sa gabing iyon. Marahil ay dahil sa itsura niya. Iyon naman talaga ang drama. Ang guwapong lalaking magpapakita ng interes sa kanya sa ganoon niyang itsura ay siya niyang bibigyan din ng atensiyon. Narating niya ang bar na tila natutulilig na ang teynga niya sa ingay ng paligid subalit kailangan niya iyong pagtiisan. Nang makarating doon ay naupo siya sa stool na binakante ng babaeng kakaalis lang. Pasimple siyang luminga-linga sa paligid habang inaaral niya kung ano ang dapat gawin. Sa totoo lang, hindi pa niya naranasang pumasok sa ganoong klaseng bar. Hindi kasi siya sociable sa mga klase ng taong nasa loob niyon. Sa probinsiya siya lumaki at masasabi niyang isa siyang probinsiyana. Isang tipikal na probinsiyana pero hindi siya manang. Iyong ‘millenium probinsyana type’ na tinatawag nila. Iyon ang unang pagkakataon na pumasok siya doon at sa tingin niya ay iyon din ang huli. Birthday gift! Ikanga niya sa sarili.    Isang pasada pa ng tingin sa paligid at humarap na siya sa bar pero bigla ring napaatras ng salubungin ang mukha niya ng lalaking biglang lumitaw sa harap niya. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong barista. Gulat na gulat siya at muntikang mapatayo. Nakakalokong  nginisihan siya nito. Nanlaki ang mga mata niya at nasapo ang dibdib. Tumawa ang barista sa naging reaksiyon niya. “Pasensiya ka na kung nagulat kita.” Malakas nitong sabi habang tumatawa at saka inilayo ang mukha sa kanya. “H-Hindi naman ako nagulat. Medyo lang!” Malakas ding sabi niyang hindi pa rin kumikilos. Guwapo ito sa paningin niya. At maganda ang katawan. Puwedeng prospect. Ngumisi ang lalake. “First time mo?” tanong nito. “Ang alin?” malakas ulit niyang tanong. “Dito.” inisenyas nito ang loob ng bar. Wala sa loob na tumango-tango siya at hindi iniaalis ang tingin dito. “Sabi ko na nga ba. Huwag kang mag-alala. Harmless kami dito.” Anitong lalong ngumisi. Mukhang naaliw ito sa kanya. Saka lang siya ulit umayos ng upo pero hindi pa rin iniaalis ang tingin dito.  “Sa tingin mo?” Aniya habang kinakalma ang sarili. “Please, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi kami kumakain ng tao dito.” nasa mga mata nito ang katuwaan. “Sigurado ka ha?” medyo napangiti na siya. She’s starting to feel at ease. She can sense that this man in front of her is not the typical bad boy type. This guy is having a nice aura. Nararamdaman niya iyon. Pero masyado pang maaga para mag-settle dito. Ito palang ang unang lalaking nakikilala niya roon. At nagsisimula palang ang gabi. “Siguradong-sigurado. Ngayon, puwede ko na bang makuha ang order mo… Miss?” Mukha itong nagpapa-cute. Hinamig muna niya ang sarili bago sumagot. “Ahm…. Bigyan mo ako ng inumin na hindi ako hihimatayin kapag ininom ko.” Lalong lumawak ang ngisi ng barista ng sabihin niya ang order. “Right away Ma’am!” Iyon lang at bumalik na ito sa trabaho. Sandali niyang inilibot ang tingin sa paligid at ibinalik ang atensiyon sa barista na ginagawa na ang order niya. Oo at unang beses niya sa ganoong lugar pero hindi siya tanga para hindi malaman kung may ibang inilalagay sa mga inumin doon. Mahirap na sa panahon ngayon. Maraming mapagsamantala. At handa siya sa mga ganoong kalakaran sa Maynila. Nang maibigay sa kanya ang order niya ay nagpasalamat siya rito. Bumalik na ito sa ginagawa nang may umorder dito habang siya ay itinuon na ang atensiyon sa mga taong naroon at sa paligid.   MAHIGIT isang oras na roon si Ysay at ikatlong baso na ng ladies drink ang hawak niya ngayon. Mukhang sinunod ng barista ang sinabi niyang huwag siyang bigyan ng madaling makalasing na inumin dahil hindi pa siya nahihilo pero nararamdaman na niya ang kaunting pagpitik sa kanyang utak dulot ng alak. Hindi siya madalas uminom pero nakakatikim din naman siya ng alak kapag may handaan sa kanila o sa mga kaibigan niya kaya medyo sanay ang katawan niya sa alak. Kailangan lang niyang tantiyahin ang alcohol sa katawan niya para sa gabing iyon. Iyong sapat lamang para pampalakas loob sa plano niya. Pero hindi nga ba talaga siya lasing nang sa paglingon niya sa kaliwa ay nakita niya ang pigurang katabi ng stool niya na nakatingin sa kanya? Mabilis siyang nag-iwas ng tingin pero ibinalik din ang tingin dito. Hindi pala ito nakatingin sa kanya. Nakatitig ito! Sa kanya mismo! Hindi sana siya masyadong mag-re-react kundi lang mabilis na rumehistro sa utak niya ang itsura nito. Well, the man beside her is handsome – no – hindi lang akma ang salitang handsome para dito. Dahil ito na yata ang pinaka-nag-shine sa lahat ng lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Though hindi ganoon kaliwanag sa loob pero nakadagdag sa atmospera ng lugar ang stunning look nito. Feeling nga niya e tumutok ang spotlight dito at humina ang ingay sa paligid. Feeling niya ay nakatitig siya sa isang lalaking ginawa lamang sa isang imahinasyon ng isang magaling na manunulat. The man is gorgeous in his black leather jacket. Hindi ito mukhang gangster. Para lang itong nagmomodelo ng jeans, shoes, at jacket sa isang sikat na magazine. Medyo magulo ang buhok nito na parang sinadyang guluhin subalit nakadagdag sa lakas ng aura nito. At ang mga matang iyon! Mga matang nakatitig sa kanya. Matiim kung tumitig. Ang ilong nitong kaytayog ng pagkakatangos. At ang labi nitong may kanipisan at bahagyang nakaawang. Tumagal ang pagkakatingin niya sa labi nito at nang ibalik niya ang tingin sa mga mata nito ay bahagya siyang napakunot-noo. Amusement draws into this man’s lips. Mukhang napansin nito ang naging reaksiyon niya sa kaguwapuhan nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at ibinalik sa mga nagsasayaw ang mata. Bakit ba siya ganoon makatingin? Nasa mga nagsasayaw ang paningin ni Ysay subalit ang buong atensiyon niya ay nasa lalaking katabi niya. Naramdaman niya ang pag-usog ng stool nito palapit sa kanya. Pinigilan niya ang huwag lumingon kahit pa unti-unting nagsimula ang kabog sa kanyang dibdib. “You’re new here.” Napalingon siya ng marinig ang suwabeng boses na iyon. Sumalubong sa kanya ang maaliwas na mukha ng guwapong estranghero. Good Lord! It’s Him! Lord, siya po!  Mataginting na sigaw ng utak niya. “Ikaw….” Medyo nawala sa sariling sambit niya. Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. “Me? Matagal na akong nagpupunta dito. Ngayon lang kita nakita…dito.” anitong hindi itinago ang paghagod ng tingin sa itsura niya. Iba ang naging interpretasyon nito sa sinabi niya. Na-conscious din yata ang sistema niya ng pasadahan siya nito ng tingin. “A-huh… b-bago lang ako dito.” “I think hindi lang ako ang nag-iisip na bago ka dito. Kung mapapansin mo, kanina ka pa nila tinitingnan.” Anito at tumingin sa mga taong dumaraan sa harap nila maging ang ibang nasa kalapit nila. Sinundan niya ng tingin ang sinasabi nito at nagkibit-balikat sila. “Pansin ko nga. Actually, kanina pa sa labas.” “At bakit sa tingin mo binibigyan ka nila ng atensiyon?” hindi nawawala ang amusement sa tinig ng lalaki. “May iba pa bang rason?” itinuro niya ang naiibang suot sa mga naroon. Tumawa ang lalaki. Ang gwapo niya talaga! Sana siya na nga! sigaw ng utak niya. Tumigil ka Ysay! Hindi ka papatulan ng ganyang kaguwapong lalaki.  Iba ang level ng babaeng papatulan niyan! Sawata niya sa sarili. E bakit kinausap niya ako? ….. e kasi natuwa siya sa naiibang suot mo!             “I bet there’s a story behind that… outfit. For the meantime, I want to introduce myself. I’m Miguel.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. Whoaaaa! Nagpakilala na ito sa kanya! And that’s the start! Mayroon pa bang ibang simula sa pakikipag-usap nito sa kanya sa una palang kung hindi ito interesado sa kanya???? Napatingin siya sa nakalahad nitong kamay. Dahan-dahan niyang iniangat ang sariling kamay at nakipag-kamay dito subalit muntik ding mabawi dahil sa kuryenteng nanulay na nagmula sa lalaki. “H-Hi Miguel…” Nagsalubong ang kanilang paningin at at nahigit niya ang paghinga ng maluwang itong ngumiti sa kanya. May kung anong pumitik sa kanyang dibdib. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Biglang kinilig ang sistema niya. Kilig na kilig! Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ang isang kagaya nito ang makipagkilala sa kanya sa ganoon niyang itsura kahit pa sa kung anong dahilan nito? At sino ang hindi kikiligin sa isiping ang tipo ng ganito kaguwapong lalaki ang posibleng tumupad sa kanyang birthday gift!? Kinikilig siya bilang isang tipikal na babaeng kinakausap ng lalaking kasing-guwapo nito! Oo at plano niyang maging old maid pero tao pa rin siyang may kilig sa katawan. It’s just for a night Ysay. Ngayong gabi lang. Pasayahin mo lang sarili mo bago mo tuluyang wakasan ang kaligayahan mo na magkaroon ng partner in life. Ngayong gabi lang sa piling ng lalaking ito. Oh Lord, pagbigyan niyo po ako please…. Usal niya sa sarili. “You’re supposed to tell your name…” anang binata ng hindi niya tugunin ng sariling pangalan ang pagpapakilala nito. “Ah…” hindi ito bumibitiw kaya siya na ang kusang bumitaw dito. Mabilis siyang nag-isip ng rason. Sa una palang ay wala na siyang balak ibigay ang tunay niyang pangalan sa kung sinuman ang lalaking pag-aalayan niya ng sarili. Kaya nga hindi rin siya nagbitbit ng ID. Isang gabi lang naman eh. Bakit pa kailangang magkaroon sila ng personal details? “Dy. Tawagin mo nalang akong Dy.” Sabi niya. “D? As in letter D?” bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. “D.Y… Dy.” Pagka-klaro niya. “Is that your real name or just initial?” lalong nagsalubong ang kilay na tanong ni Miguel. “Initial…” matipid siyang ngumiti. “Wala kang balak sabihin ang pangalan mo?” Umiling siya. “Why?” mukhang tuluyan na niyang nakuha ang interes nito. Why? Alangan sabihin niya ang totoong rason. “Long story…” aniyang muling tipid na ngumiti. Tumawa si Miguel. “Konektado ba ‘yan sa outfit mo ngayon?” panghuhula nito. Mahiwagang nginitian niya ito. Tumango-tango si Miguel. “Alright. That makes me more curious about you.” hindi napigilang komento nito. “Curious ka sa akin?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “Yeah. Kanina pa kita pinagmamasdan... sa totoo lang, naiintriga ako sa iyo. Ano ang ginagawa ng isang kagaya mo sa ganitong klaseng lugar?” “Kagaya ko?” “Kagaya mong halatang hindi pumapasok sa ganitong klaseng lugar. Wait, no offense but sa unang tingin ko palang sa iyo ay mukhang hindi ka na pumapasok sa ganito… based on your outfit… I’m not judging you okay… sinasabi ko lang ang nasa isip ko ---.” Bigla siyang tumawa saka umiling-iling. “Hindi! Okay lang. Hindi talaga ako pumapasok sa ganitong klaseng lugar.” “Alright. So… bakit nandito ka? Tumingin siya sa dancefloor. “Kagaya ng sinabi ko kanina, long story.” Naramdaman niya ang titig nito.  “You’re something.” “Something...?” muli ay pinukulan niya ito ng tingin. Hindi ito sumagot. Sa halip ay tila ito saglit na nag-isip saka muling nagsalita. “Would you like to go somewhere?” sa halip ay tanong nito. Bingo!!! “B-bakit? S-saan?” nagsimulang mamasa ang mga palad niya. This is it! Huwag mo na siyang pakawalan pa Ysay! Greek God na ang nakatagpo mo! “I know a place where we can chat na hindi ganito kaingay at magkakaintindihan tayo.” Lihim na nagdiwang ang kalooban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD