HAWAK ni Miguel ang kanyang cellphone. Kakarating nila sa bahay nila Elise mula sa isang mahabang flight. Agad na pina-diretso ng mga magulang ang dalaga sa kuwarto nito para makapagpahinga. Hindi siya doon tutuloy kundi sa apartment na nabili niya. Kahit inalok siya ng mga magulang nitong doon nalang tumuloy ay tumanggi siya. Isang bagay lang ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag. Si Ysay. Hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakasama nito ng loob o pag-iisipan nito ng hindi maganda. Ang pagsama niya kina Elise ay purong pakikipag-kapwa tao na lamang at dahil sa naging samahan ng bawat-pamilya. Isa pa ay matagal din niya itong nakasama. Kahit niloko siya nito ay naroroon pa rin ang respeto niya rito bilang isang tao at kababata. Sinabi na niya sa sarili na pagkatapos ng gamutan ng da

