Chapter 6

1470 Words
TAHIMIK ang buong simbahan maliban sa tinig ng pari na nagsasalita sa harapan. Matamang nakatingin si Ysay sa harap ng altar kung saan nagkakaroon ng seremonya para sa kasal ng kanyang pinakamatalik na pinsang si Cami. Ikinakasal ito ngayon sa anim na buwang kasintahan nito. Hindi siya makapaniwala na ikakasal ito ng ganoon kabilis dahil sandali palang nitong nakakarelasyon ang lalaki pero anito ay nahanap na raw nito ang The One na ikinaikot lang ng mga mata niya ng sabihin ng pinsan ang bagay na iyon. Ganoon din ang lalaki para dito na hindi man niya sobrang close ay masasabi na ring naging kaibigan niya sa sandaling panahon. Kung sa ibang pagkakataon o sa ibang tao ay sinabi na niyang ‘maghihiwalay din ‘yang mga ‘yan’ pero siyempre ay hindi niya iyon gagawin dahil malapit niya itong pinsan. Ayaw niyang sirain ang magandang tinginan ng mga ito. Lalo pa at kitang-kita niya ang sigla at ningning sa mga mata ng ikakasal lalo na sa kanyang pinsan. Wala siyang tutol sa bilis ng pagpapasya ng pinsan. Natanong lang naman niya ito kung bakit ganoon ang naging desisyon ng dalawang magpakasal. Naisip nga niyang suwerte pa nito dahil nahanap pa nito ang lalaking para rito kahit pa kasing edad lang niya si Cami. Suwerte nito dahil natagpuan nito ang lalaking magiging karamay nito sa hirap at ginhawa habang nabubuhay. Siguro nga ay hindi ito nakatakdang maging mag-isa. Isa ito sa mga taong binigyan ng biyaya ng nasa Itaas para magkaroon ng katuwang at maging masaya sa piling ng isang lalaki. At magkaroon ng masasabing pamilya. Samantalang siya ay tinuldukan na ang sarili sa pakikipagrelasyon sa kahit kaninong lalaki ilang buwan na ang nakakalipas. Wala siyang pagsisi dahil masaya siya at kuntento na siya sa buhay. Handa na siya sa anumang pakiramdam ng pag-iisa at tanggap na niya iyon. Handa na siya sa hirap at ginhawa – ng mag-isa. Of course, nariyan pa rin ang kanyang pamilya, magulang, pinsan at ibang kamag-anak. Pero to be single for the rest of her life? She’s ready and bring it on! Isa siya sa mga abay sa seremonyang iyon. Pagkatapos ng seremonya at kodakan ay nagpunta na sila sa reception na gaganapin sa may kalawakan ding bakuran sa residente ng pamilya nila – ang pamilya Garcia. Hindi sa anupaman pero isa ang angkan niya na kilala sa lugar nila. Pag-aari nang pamilya niya ang isang provincial bank sa kanilang lugar na matagal ng nakatayo. Bukod doon ay sila rin ang nagmamay-ari ng pinakamalaking gasolinahan sa bayan. Pinamumunuan iyon pareho ng kanyang ama habang ang ina niya ay nanatili sa propesyon nito bilang isang principal sa isang public high school din na sakop ng kanilang bayan. Ilang beses na siyang pinilit ng kanyang ama na pag-aralan ang kalakaran sa kanilang bangko subalit panay ang pagtanggi niya. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng hilig sa mga numero. Hindi siya napilit ng mga ito at ang kapatid niyang si Tintin na limang taon ang tanda niya ang katuwang ng papa niya sa kanilang negosyo. Sa halip ay mas ginusto niyang magtayo ng sariling negosyo kung saan makukuha niya ang gusto niya. Isang malawak na garden na nagmistulang flower farm ang itinayo niya. Hilig niya ang mga bulaklak kahit anong klase pa ‘yan kaya naisip niyang magtayo ng flower farm sa halip na flower shop. Hindi naman siya nagkamali dahil bukod sa maimpluwensiya ang kanyang pamilya at sa tulong ng mga bibig ng mga nakakakilala sa kanya ay naikalat ang kanyang negosyo hanggang sa ibang lugar. Limang taon na ang flower farm niya at masasabing maganda ang kita niyon. Iba’t-ibang klase ang nakatanim sa farm na tinawag niya FLORA YSAY. Mga rosas na iba’t-iba ang kulay at iba’t-ibang laki ang pinakamaraming makikita sa farm. Mayroon ding mga bulaklak na galing pa sa ibang bansa at inaral niya kasama ng kanyang mga tauhan para palaguhin. Maganda at maayos ang farm niya at mayroong mga nagwo-walk in na mga buyer mula pa sa ibang lugar. Flora Ysay is her sanctuary for the past five years until now. At kapag nakikita niya ang mga bulaklak lalong-lalo na sa umaga ay gumagaan kaagad ang pakiramdam niya. Habang papasok sa bakuran kung saan naroon ang reception ay hindi niya napigilang mapangiti at magtaas ng noo. Lubhang magaganda ang mga bulaklak na nakadisensyo doon at galing iyon sa farm. Presyong pinsan ang ibinigay niya sa mga ito kahit pa ipinilit ni Tristan na magbayad ng buo. Hindi niya iyon tinanggap at inirason na magsilbing wedding gift nalang sa dalawa. Ilang saglit pa ay nagkakasiyahan na at ilan sa mga bisitang lalaking naroroon ay inanyayahang isayaw siya pero magalang siyang tumanggi sa mga ito. Nang simulan niya ang panata sa sariling maging old maid ay sinimulan na rin niyang idistansiya ang sarili sa mga lalaki. Habang pinapanood niya ang bagong kasal na nagsasayaw sa harap ay napapangiti siya. Masaya siya para kay Cami. Totoong masaya siya at walang halos echos o kabitteran. Alam niyang hindi na niya mararanasan ang nararamdaman nitong kasiyahan at hindi na lalarawan sa kanyang mukha ang kinang at sayang nakikita niya sa mukha nito. O hindi sa ganoong paraan. Alam na alam niya iyon. Pero masaya siya sa naging desisyon niya para sa sarili. Magkaiba ang direksiyong pinili nila ng pinsan pero alam niyang pareho silang masaya. Ilang beses na rin siyang natanong ng mga bisita kung kailan naman daw siya ikakasal. Madalas ay isang matamis na ngiti nalang ang isasagot niya pagkatapos ay magpapaalam na. Graduate na siya sa pagpapaliwanag sa mga tao kung bakit wala pa siyang asawa o jowa man lang. O kaya ay sisimplehan lang niya ang sagot - it’s not for me o hindi para sa akin. Iyon lang iyon. Nang makaramdam ng panunubig ay tumayo siya at tinahak ang daan patungo sa CR. May isang comfort room na nakahiwalay sa kanilang malawak na compound na sadyang ipinatayo para sa mga ganoong okasyon. Dahil nasa mga bulaklak na nakadisenyo sa paligid ang atensiyon niya ay hindi niya nakita ang lalaking makakasalubong. “Ouch!” bulalas niya ng mabangga sa isang matigas at mataas na bulto. Nalukot ang mukha niya at nasapo ang nasaktang noo. “Ano ba ‘yun?” Nang magtaas siya ng mukha ay napanganga siya. Sa dinami-rami ng puwede niyang mabangga ay ang pinakahuling taong inaasahang pa niya ang lilitaw sa harap niya. “M-Miguel!” mahinang sambit niya ng makilala ang nakabangga. Gayon nalang ang pagkabog ng dibdib niya ng makilala ang binata. Ewan niya pero parang biglang nagsirko ang lahat ng laman-loob niya sa katawan. “Dy?!” Napakurap-kurap si Ysay ng makilala si Miguel na ngayon ay manghang nakatingin sa kanya. “Ikaw nga ba talaga ‘yan?” hindi makapaniwalang bulalas nito. Bumukas-sara ang bibig niya. Walang maapuhap na sasabihin. Gulat na gulat siya at hindi rin makapaniwalang tulad nito. “You are Dy right?” naninigurong tanong nito ng hindi siya sumagot. Hindi kaagad siya sumagot. May parte sa isang bahagi ng isip niyang huwag umamin na siya nga ang taong naging praning sa harap nito ilang buwan na ang nakakaraan. “Ikaw si Dy. Don’t you ever deny it.” Naningkit ang mga mata nito. Alanganin siyang ngumiti. Wala na ring saysay kung magde-deny pa siya. “A-ako nga. A-anong ginagawa mo dito?” Nagliwanag ang mukha nito sa naging kumpirmasyon niya saka simpatikong ngumiti. “First of all, hi Dy. Second of all, pinsan ko ang groom kaya nandito ako sa kasal niya.” “M-Magpinsan kayo ni Tristan? As in ni Tristan na groom?” gulat na gulat siya. Ang liit naman talaga ng mundo ano? Sa dinami-rami ng puwedeng maging pinsan ni Tristan ay itong si Miguel pa ang naging kadugo nito. “Yes. First degree. Hindi na ako naka-attend kanina sa simbahan dahil may mga inasikaso pa ako.” Paliwanag nito. “Ikaw? How are you related with Cami?” Tanong nitong pinasadahan siya ng tingin. Sa itsura nito ayy mukhang natuwa ito sa nalaman. “Malapit kaming magpinsan ni Cami.” Matipid niyang sagot. Ah! Ang liit talaga ng mundo. Ang liit talaga ng mundo para pagtagpuin pa sila ni Miguel pagkatapos ng nakakahiyang ginawa niya ilang buwan na ang nakakalipas. Namula ang mukha niya ng maalala ang nangyari. Hindi siya makatingin kay Miguel. “I see. Seems like the world must be so small para pagtagpuin ulit tayo dito, hindi ba?” Tumatangong wika nito. “I really can’t believe na makikita kita dito.” di pa rin makapaniwalang pahayag nito. “A-ako din…” mahinang tugon niya. Pareho sila ng nasa isip. “Ahhmmm… s-sige…maiwan na muna kita diyan. Pupunta lang akong CR.” Hindi na niya hinintay na mapigilan siya ng binata sa akmang pagsasalita nito. Walang lingon-likod na iniwan niya ito at nagmamadaling tinungo ang CR.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD