Chapter 5

1169 Words
DAHAN-DAHANG ibinaba ni Miguel ang dalaga sa ibabaw ng kanyang kama. Wala siyang choice kundi patulugin ito sa kanyang silid. Bukod sa kanyang silid ay mayroon pang isang kuwarto roon subalit hindi pa iyon malinis. Kalilipat lang niya ng nakaraang araw at hindi pa niya iyon naipapalinis. Eksaktong naibaba niya ito ng kumislot ang babae. Mabilis siyang humiwalay dito at naupo sa gilid ng kama. Dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito at nagtama ang kanilang paningin. Nangunot ito ng noo pagkakita sa kanya na para bang kinikilala siya pagkuwa’y tila nagliwanag ang mukha. Mukhang nakilala siya. “N-Nasaan ako?” medyo malabong tanong nito. Hindi ito nag-abalang bumangon pero luminga-linga ito sa paligid. “Nandito tayo sa penthouse ko. I need to bring you here dahil hindi ko alam kung saan kita dadalhin kanina ng himatayin ka. You were really drunk, woman!” kastigo niya dito. “Now tell me, saan kita puwedeng ihatid?” may kaseryosohang tanong niya. Pero duda siya kung maihahatid pa nga ba niya ito sa tinutuluyan. Sa estado nito ay malabong makausap niya ito ng maayos. Wala namang magiging problema sa kanya kung doon ito matutulog. He can sleep in the couch anyway. Ibinagsak nito ang ulo sa malambot niyang unan. Why he has this feeling na parang ang gandang tanawin na naroroon ang dalaga sa kanyang kama at gamit nito ang kanyang unan? Pero saglit lang ang pakiramadam na iyon at dagli ring nawala ng tumango-tango ito saka ngumisi. “Hindi ako hinimatay. Nakatulog lang ako.” She said calmly. Mukhang kumportableng-kumportable ito sa pagkakahiga kahit nasa estrangherong lugar ito. Napailing-iling siya. “Akala ko hindi mo na ako dadalhin dito eh…” she murmured pero narinig pa rin niya. Nagsalubong ang kilay niya. Anong sinasabi nito? “What do you mean na hindi na kita dadalhin dito?” napapantastikuhang tanong niya. Lalo siyang naiintriga sa mga pinagsasabi nito. Muli itong nag-angat ng mukha at hinuli ang tingin niya. “Bakit hindi mo pa ako hinahalikan? Iyon ang dapat na nangyayari na ngayon, diba?” Sa halip ay tanong nito habang namumungay na ang mga mata dahil sa nainom na alak. Napaawang ang labi niya. Lalong hindi niya alam ang tinutumbok nito hanggang sa ma-realized niya ang ibig nitong sabihin. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. “Dy! Hindi ako ganoong klaseng lalake!” hindi niya napigilang ibulalas. Gumalaw ang adams apple niya ng maisip na may mangyayari sa kanila ng dalaga. Sa gabing iyon ay wala iyon sa utak niya. At lalong-lalong hindi ang babaeng ito ang makakasama niya kung sakali man. Marahas siyang tumayo mula sa pagkakaupo. “If you are looking for a man who’ll just satisfy your needs ----.” Naputol ang mga sasabihin niya ng mula sa naniningkit nitong mga mata ay ngumiti ito ng ubod tamis. Hayun nanaman ang pamatay nitong ngiti! That killer smile na ilang beses siyang pinatigil kanina sa mga ginagawa at pagsasalita. As if this woman is seducing him! At sa ngiting ito ng dalaga ay tila may ginigising sa kanya – sa kanyang pagkatao. Kumilos ito upang bumangon pero mukha itong matutumba ulit. Awtomatiko ang katawan niyang umalalay kay Dy kaya mabilis pa sa alas kuwatrong nasa tabi na siya nito at hawak-hawak niya ang magkabilang balikat nito. Sa mga sumunod na pangyayari ay nagrebolusyon ang kanyang pagkatao. Tinanggal nito ang sumbrerong suot at lumugay ang mahaba at itim na itim nitong buhok. Napatanga siya. Literal! Hindi niya inakalang ganoon ito kaganda. Kahit pa lasing ang itsura nito ay hindi niyon nabawasan ang kagandahang taglay nito. Parang lalo pa nga itong gumanda dahil sa pamumungay ng mga mata nito. Ngayon lang niya napagmasdan ng mabuti at malapitan ang mukha ng dalaga ng tanggalin nito ang sombrero na nawala sa isip niyang tanggalin kanina. Ngayong mas maliwanag ang paligid at magkalapit ang mga mukha nila ay kitang-kita niya ang mala-anghel nitong mukha. Though he had been seeing girls with beautiful faces, - all around the world - Dy is extremely different! Ito na yata ang may pinakainosente at pinakamagandang mukhang nakita niya kahit pa sa ganoong itsura. Hindi niya namalayang nakatitig na siya rito at hindi masyadong naiintindihan ang pinagsasabi nito. Namalayan niyang lumalapit ang dalaga sa kanya – o mas tamang sabihing lumalapit ang mukha nito sa kanyang mukha! Nakapikit pa si Dy at bahagyang nakanguso ang bibig. Something pop up in his mind. At umilaw ang alert zone sa utak niya. Akmang hahalikan siya nito pero bigla siyang nahimasmasan. Mabilis niyang pinigilan ang balikat ng dalaga at pinigilan sa akmang gagawin. “Dy!” malakas niyang sabi dito. Nagmulat ito ng mata saka kumurap-kurap. Tila bahagyang natigilan. Umawang ang bibig nito pero walang sinabi. Basta nakatitig lang sa kanya. “What are you doing?” napapantastikuhang bulalas niya dito. “You’re hurting my feelings…” sa halip ay usal nito. Parang nabasa nga niya sa mga mata nitong ngayon ay lumamlam. “What are you talking about?” “A-ayaw mo ba sa akin?” maging ang tono nito ay lumamlam din. “No!” Napangiwi ito saka tumango-tango. “Ayaw mo nga sa akin.” Lumungkot ang mukha nito saka umurong. Sa itsura nito ay para itong natalo sa isang sugal. “What? No!” napailing-iling siya. Hindi iyon ang ibig niyang sabihin. Pabagsak itong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata. “Hindi mo na kailangang ulit-ulitin na ayaw mo sa akin. Hindi nga siguro kagaya kong babae ang type ng mga katulad mo.” “What?!” Bumukas-sara ang bibig niya. Gusto niyang sumagot pero hindi niya alam ang sasabihin. Napabuga siya ng hangin ng malakas. “Look, Dy. That’s not what I meant and I really don’t know what your saying. Please, mag-usap tayo ng maayos. Hindi ko intensyong saktan ang damdamin mo…” Kumilos ito patagilid patalikod sa kanya pero hindi sumagot. Muli siyang nagpahugot ng malalim na paghinga. Bigla ay para siyang nagkaroon ng problema. Come to think of think, para siyang nanunuyo ngayon ng isang babaeng ngayong gabi lang niya nakilala at hindi naman talaga niya kilala. There is really something with this woman! “C’mon, Dy. Let’s talk.” Patuloy niyang pagkausap dito. Pero hindi na niya ito naringgan pa ng komento. Hanggang sa maging pantay na ang paghinga nito. Malakas siyang bumuntong-hininga ng mapagtantong tulog na ang kausap. The truth is, may ideya na siya kung ano ang gusto nitong mangyari. At ayaw niyang isipin na ganoong klaseng babae si Dy. He can sense the innocence to her at hindi ito basta-basta sisiping lang sa kung sinong lalaking puwede nitong samahan. There must be something than that. Bukas nalang niya ito kakausapin kapag pareho na silang may maayos na tulog. Pero iyon ay hindi nangyari dahil paggising niya kinaumagahan ay wala na ang babae. Odd. Bakit pakiramdam niya ay may malaking panghihinayang sa parte niya na hindi na nagisingan pa ang dalaga? Their supposed to continue kung anuman ang nasimulan nila ng nagdaang gabi. Hindi iyon ang inaasahan niyang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD