Mula sa opisina, dumiretso na siya sa sinabing venue ni Claudette. She just freshened up and retouched her hair and makeup. Sinipat niya ang hitsura sa salamin. She looked too formal with her executive attire. Napabuntong-hininga siya at hinubad ang blazer. It's a much better look. Lumabas siya ng bangko nang masigurong okay na ang kabuuan niya. She drove towards her destination. As expected, ayaw niya sa ambience ng paligid. It was just eight pero ang dami ng sasakyan sa parking lot. Pahirapan pa siyang makahanap ng mapapagpaparadahan ng kotse. Dulong bahagi na niya nai-park ang sasakyan. “It’s okay, Bettina, hindi ka naman magtatagal dito.” Claudette used to host wild and loud parties in their teens. Ngunit isang beses lang talaga siyang nakapunta sa mga iyon. Todo-tanggi siya simula

