“Easy.” It was a husky voice from out of nowhere. Ang sexy. Napangiti siya. Parang boses lang ng Francis niya, kaya lang, mas mabait ang dating ng boses ng asawa. Sinikap niyang sinuhin ang sinumang sumaklolo sa kanya pero hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa nakakarinding ilaw sa loob. All she could see was a silhouette of tall and lean figure. Sinubukan niyang itutok muli ang mga mata sa mukhang ‘yon. Parang may nabuong imahe. “Francis?” It’s her husband! ‘Di nila ugali ni Francis ang mag-PDA pero bigla na lang umangat ang kamay niya at hinaplos ang mukha nito. May nanunusok na stubbles sa palad niya. “You have more stubbles, Honey.” Parang pagod na hinagod niya ng pad ng hinlalaki ang mukhang iyon. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang umayos ng tayo at hinawakan ang pisngi ni

