Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ni Bettina nang magising kinabukasan. She tried to open her eyes but automatically shut them again. Nahilot niya ang ulo para mabawasan ang pananakit habang kinapa ang higaang kinaroroonan. Hindi niya maramdaman ang nakasanayang malambot na unan. May kakaiba sa higaan. Sa muling pagdilat niya ng mga mata, napatotohanan ang hinala. Ibang silid ang kinaroroonan niya. Ibang kama ang kasalukuyang kinahihigaan. Hindi ito ang silid nilang mag-asawa. Ang layo ng hitsura, ang interior, ang laki. Malinis ang silid pero salat iyon sa mga gamit. Lahat ng nakikita niya sa loob ng silid ay pawang gawa sa hardwood. “Where the hell am I?” Parang sinisilaban ang pwet na napatayo siya. Sumuray pa siya at napapikit dahil sa pagkaliyo ngunit nangunyapit sa cabinet sa g

