“Ma’am, hindi po diyan ang pipirmahan ninyo dapat.” Jesus! Kanina pa siya nagkandamali-mali sa mga ginagawa. Kahit ang simpleng pagpirma sa loan application form ng isang client ay ‘di pa niya magawa ng tama. Nagtataka na marahil ang ang account manager na kaharap niya ngayon. “Can you just leave it here muna? I’ll just review it again.” She took a deep breath and rested her head on the headrest of the swivel chair. Focus, Bettina, focus. Huwag mong isipin ang nilalang na nasa labas. Saka niya lang binalikan ang naturang dokumento nang masigurong tama na ang gagawin niya. “May pa-pizza si Irene, won’t you join?” Matigas ang naging pag-iling niya kay Angeline nang sumilip ito sa opisina niya na may kinakagat ng slice ng pizza. “Wait, I'll get you some.” Pagdating ng tanghalian,

