Ngarag siya nang magising kinabukasan. Namimigat ang katawan niya. Pagod na pagod siya. Halos alas tres na nang madaling araw siyang tinantanan ni Rufus. Kada natatapos, humihirit ito ng isa pa. Ang mahina niyang katawan, laging bumibigay. She’s an independent woman pero nawawala iyon kapag nararamdaman na ang mga haplos at halik ni Rufus. Ngayong wala na ito sa tabi niya, sumisilip naman ang hiya. Nahihiya siya, but she kept on committing the same mistake. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Bumangon siya at naghanda para sa nakahanay na mga activities sa opisyal na unang araw ng team building. Hindi siya maaaring magdahilan kina Angeline na masakit ang katawan niya. Habang naliligo, nakita niya ang isang marka sa kanyang leeg at punong dibdib. Problema kung paano itago an

