Having Rufus on the same flight gave her an unsettling feeling. No matter how she acted normal, namamalayan na lang niya ang sariling nagtatama ang mga mata nila ni Rufus. Ang nakakainis pa, kahanay pa niya ito ng upuan. Sa bawat beses kasi na umaalis sila kasama ang mga empleyado, lagi silang nakikihablubilo sa mga ito. Kung nasa economy class ang mga ito, doon din sila. Kung barko ang sasakyan ng isa, magbabarko lahat. This was a mantra of the Alcantara family. Pagdating sa resort na tutuluyan sa Coron, kanya-kanya kaagad silang hanap sa mga naka-reserve na silid nila. Pinakadulo ang cabin na tinutuluyan niya. Kung saan man ang tutuluyan ni Rufus, ‘yan ang hindi niya alam. Bago ang dinner, nagkanya-kanya muna ang mga empleyado sa kung saan man gustong magsususuot ng mga ito. Sa pamamahi

