Monday came like a blast. Habang nakaupo sa gitna ng kama at nakalubog ang mukha sa nakatuping mga tuhod, nakatitig lang siya sa bintanang natatabingan ng manipis na kurtina. She would usually have her morning devotional, tinatamad at nahihiya siyang gawin iyon ngayon. Pakiramdam niya, mabigat nang buksan ang kahit isang pahina ng bible. Baka mapaso siya. She just committed adultery. Paglabas niya ng guestroom, wala nasa bahay ang mag-ama niya. Ayon kay Belen, dinaanan ng mga kaibigan si Francis. Sa international school na pinapasukan ni Noah, June nagtatapos ang eskwela, Noah would have all month hopping from friend to friend o kung saan man ito pupunta. Normally, hindi niya aayunan, ngayon, mukhang wala siyang enerhiya na sawayin ang anak niya. “Pero alam mo, Ma’am, medyo tanghali n

