“Elizabeth?” Sorpresa ang mababanaag sa mukha ng mama habang nakatitig sa babae. Masasabi niya, Elizabeth had become even more beautiful and stunning as before. Kahit sabihing maganda siya, kahit pa anong puti niya, hindi pa rin nawawala sa sistema niya ang makaramdamam ng insecurity kapag nasa paligid ang babae. Ilang taon na ba ang nakalipas pero nanliliit pa rin ang pakiramdam niya. “It’s been so long, hija.” Naiinggit siya sa nakikitang mainit pa ring pagtanggap ng mama at kahit ng papa sa babae. Ito lang naman ang naunsyaming perfect daughter-in-law kung hindi lang siya dumating sa buhay ni Francis. Kung wala lang Noah na nabuo sa sinapupunan niya. “Ang tagal na nga, Mama.” Hanggang ngayon, mama pa rin ang tawag nito sa biyenan. Then she looked at Francis. Wala siyang mababa

