“What’s with you, huh?”
Galit si Francis. She could sense it. Hawak nito ng mahigpit ang manibela. Humuhulma ang MGA ugat nito sa braso. Kung makakaangil lang, baka nagpapalag na ang hawak nito dahil sa matinding pagkakasakal.
“Do you even have any idea na muntik ka nang mapahamak?” Halos hindi na maipinta ang mukha ni Francis sa inis. Ang mga kilay ay wala na yatang pagitan. “And look at that dress, ang ikli ng palda mo. Halos kita na ang kaluluwa.”
“At ano naman ang paki mo kung ano ang isusuot ko, ha?” asik niya. May Elizabeth itong manang kung manamit. Bakit hindi ‘yon ang pakialaman ng lalaking ito? She slouched on the seat. Halos mahiga na siya sa upuan at saka tumitig sa labas. Ayaw niyang makipag-usap dito. Ayaw niyang sinisermunan nito. Daddy niya nga, walang say sa sense of fashion niya. Pakiramdam niya, para siyang musmos na walang ibang alam kundi ang katangahan.
Narinig niya ang pagpakawala nito ng hangin.
Nanahimik ito, nanahimik din siya.
Ang tanging nag-iingay lang sa loob ay ang ingay ng makina ng kotse.
Sa gitna ng katahimikan, nakita na lang niya na hindi patungo sa apartment ang tinatahak nilang daan. Napalingon siya sa paligid. Nilampasan na nila ang eskinang paliko patungo sa kanyang tinitirhan. Nagtatanong ang mga matang napalingon siya kay Francis.
“I’ll bring you with me.”
May sagot na kaagad hindi pa man siya nakapagtanong. This time, hindi na masyadong galit ang hitsura nito.
“Just sit there. Pwede kang matulog until we reached home.”
Home.
Sa mansion ng mga Alcantara?
She was both excited and at the same time worried. Baka makita siya nina Tita Constancia sa ganitong ayos. With that in mind, tama nga ang sinabi ni Francis na provocative ang suot niya. Baka ano ang sabihin patungkol sa kanya ng tita. Ayaw niyang mapulaan siya ng mga Alcantara. They will be her future parents-in-law. Dapat cool ang image niya sa mga ito.
“Now, pinuproblema mo ang ayos mo?”
Fortune teller yata ito at nababasa isip niya. Hininaan nito ang bilis ng takbo at inabot ang jacket sa backseat.
“Wear that jacket.”
Mabilis niya itong sinunod.
Mahaba ang hoodie jacket kaya sigurado siyang matatakpan ang lampas kalahati ng mga hita niya.
“Kumain ka na ba?”
“Chips and buffalo wings.”
“Busog ka na ro’n? Not even a proper meal.”
“Oo.”
Napapailing ito. Wala nang sinabi at nag-concentrate sa pagmamaneho. Pagdating sa bahay, isang katulong kaagad ang sumalubong sa kanila. Kilala na niya ito ngunit parang nangingilag pa rin sa kanya. Pero nong ‘yong Elizabeth naman ang nagpunta rito sa mansion, friendly ang mga katulong dito.
Is she genuinely as stoic as she appears to be?
“Diday, can you prepare the guest room for Bettina?”
“Opo, Señorito.”
Bahagya pang tumango ang babae bago umalis. Dinala naman siya ni Francis sa kusina at pinaupo. Mabilis ang mga kilos nitong gumawa ng club sandwich. Kumuha ito ng canned juice at nagsalin sa kani-kaniyang baso.
“Kain na.”
‘Kaya mas lalo kang nakaka-in love, eh.’
Bsog siya kanina pero biglang nakaramdam ng gutom. Palalampasin ba naman niya ang pagkaing ito mismo ang naghain para sa kanya?
Not in a million years.
Matapos kumain, dinala siya nito sa ikalawang palapag ng mansion. Nakakaaliw na titigan ang mga naraanan niyang antiques at paintings. Mahilig daw talaga kasi si Tita Consrancia sa art.
“So, saan ang room mo?”
Binabagtas na nila ang hallway na napapagitnan ng mga silid.
“There,” turo nito sa isa sa mga silid. “Katapat lang ng isa sa mga guestrooms..”
So, maaaring magkatapat lang ang mga silid nila. Lihim syang napangiti. Pag sabay silang nagbubukas ng pinto ng guestroom, magsasalubong ang mga titig nila. Ano kaya hitsura nito sa umaga? Sure siya, kahit magulo ang buhok, amoy malinis at presko pa rin ito. Gwapong-gwapo pa rin.
Paano kaya ito matulog?
Naka-jogging pants?
Boxers? Briefs?
O hubad.
Ang pilyang utak niya, natatawa. Kasi naman ang mga pinsan niya, laging nagkukwento ng green jokes. Hindi naman siya nakikisali pero nasasagap ng tainga niya. Idagdag pa si Clau na mukha lang hindi makabasag pinggan pero iba ang buka ng bibig. Parang ang daming alam na kalokohan.
“Bettina?”
“H-ha? Ano ‘yon?”
Umayos siya. Gusto na niyang mapangiti. Francis looked even cute while he crinkled his nose. Ang tangos. Sarap pingutin.
“Lika na.”
Sumunod siya sa lalaki. Ngayon naman, ang pilyang utak niya ang likuran naman nito ang piangdiskitahan. Everything about this man is oozing with sexiness.
‘Hay naku, Bettina!’
“So, here’s your room. Maalwang silid ang pinasukan nila. Kumpleto sa gamit at may sariling TV pa. What she liked most about it, malalaki ang bintana. “Bathroom is right there,” anito na itinuro ang nakapinid na pinto. “Pwede kang maligo or whatever nightly routine you do bago matulog. May spare toiletries na sa loob.” Itinulak nito ang pinto ng banyo. “Pasok na.”
Habang nasa loob, ‘di niya maiwasang mapangiti. She finally got his attention. Kahit nabulyawan siya ni Francis kanina, okay lang, nakasama niya naman ito ngayon. Para siyang gagang nilaro ang bubbles ng liquid gel na nalikha ng mga kamay at hinipan. Tumitili siya ng walang tinig. Nakabuti rin naman pala ang pagsama niya sa barkada ni Claudette.
Pero bakit nandoon si Francis? Nagba-bar din pala ito?
Napalitan ng simangot ang malapad na ngiti niya. Nakita niya kung ano ang hitsura ng bar. Ibig bang sabihin, bukod sa Liz na ‘yon, may nakakasalamuha pa itong mga babae na halos hindi na nagdadamit?
Namuo ang yamot sa dibdib niya.
Nakakainis.
Tinapos niya ang pagha-half bath at lumabas para magbihis. May mga nakalatag ng damit sa kama. T-shirt, shorts na nang isuot niya ay halos palda na ang dating sa kanya. Napasimangot siya nang tingnan ang sarili niya sa salamin sa dresser. Nanunulis ang nguso niyang napasukan ni Francis sa silid.
“Feeling comfortable?”
Maiinis na sana siya pero dahil nakangiti ito, napangiti na rin siya. Ano ba kasi ang irireklamo niya? Damit nito suot niya, ang dumadantay sa balat niya na ang bango-bango pa. Kahit yata buong gabi niyang amuyin, hindi siya magsasawa.
“Have a good night sleep, Bettina.”
Parang pumalakapak ang lahat ng kalapati sa paligid. Ginulo lang naman kasi Francis ang buhok niya at piningot ang tungki ng kanyang ilong.
It was something so endearing.
That night, sleep had been elusive to her. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. Dilat man o nakapikit, mukha ni Francis ang naglalakbay sa kanyang diwa.
Kinaumagahan, nakasalo niya sa hapag ang Tita Constancia at Tito Federico. Kadarating lang daw ng mga ito galing sa biyahe. Nagulat pa ang dalawa nang makita siya sa kusina at nagpresintang tumulong. Sinanay sila ng mommy niya sa mga gawaing bahay. Babae raw kaya, may gender assigned roles sila sa bahay.
“What are you doing in the kitchen, hija?”
“Pinigilan nga namin, Ma’am, pero ayaw paawat.” Halatang kinakabahan si Diday.
‘Well, Diday, I got this.’
“Ikaw na bata ka, baka sabihin nina Myra at Enrique.” Ginulo ni Tita Constancia ang buhok niya at hinila siya palabas ng sala kung saan naroroon na ang Tito Federico at Francis.
“Bettina, hija?” Ang lawak ng ngiti ni Tito Fed. “What a surprise. Come on, give me a hug, hija.”
Yumakap nga siya kay Tito Fede. “Good morning, Tito.” Para na rin niyang yakap-yakap ang ama.
“Did something happen?”
Kinabahan siya na baka sabihin ni Francis na kaya siya nasa mansion ng mga ito ay dahil nakita siya nito sa bar kagabi. Kapag nakarating sa dad niya, tiyak, padadalhan siya ng bodyguards. Ayaw niya ng ganong setup.
“Naraanan ko po siya sa daan kagabi, Dad. Galing sa isang kaklase to do some school assignment. Since gabing-gabi na, I decided na dalhin na lang siya rito sa bahay.” Nakahinga siya ng maluwag. They were just having a little white lie.
“Kapag ganyang ginagabi ka sa bahay ng kaklase, huwag kang mag-atubiling tumawag kay Francis o dito sa bahay. I promised Ed na titingnan-tingnan ka naming dito sa Maynila.”
This family just didn’t fail to amaze her. Touched ang puso niya. Ang thoughtful ng mga ito na kahit sa mga dalang pasalubong, may para sa kanya.
“Don’t you like it, hija?”
Tita Constancia was worried.
“I love it, Tita. Sobra.”
The woman heaved a sigh of relief. “I’m glad you liked it.” Tinulungan pa siya ni Tita Constancia na maisuot ang designer red sweater niya at inayos ang buhok niyang naipit sa gawing neckline. It was a motherly action. “Bagay na bagay sa’yo. Mas lalong lumutang ang kaputian mo.”
Kay Elizabeth kaya, ganito rin ang tito at tita? Baka kasi natutuwa lang sa kanya ang mag-asawa. Nasabi minsan ng mga ito na sabik ang mga ito sa anak na babae. Sa puso niya, ayaw niyang pinagkakatuwaan lang ng mga ito.
Mas gusto niya, minamahal.
She glanced at Francis. Nakangiti ito habang nakikipag-usap kay Tito Fed. Habang nakatitig sa nakangiti at gwapo nitong mukha, sumidhi naman ang t***k ng puso niya. Right there and then, she knew a difenite answer to one question in her philosophy class, “What’s her purpose in life?’ Her purpose was to be Francis Alcantara’s wife.
That’s for certain.