Mabilis na lumipas ang panahon. Isang taon na rin sa kolehiyo ang natapos niya. Masasabi niyang productive ang isang taong nakalipas para sa kanya. Isa lang naman siya sa top achievers ng college nila. Paano kasi, sobrang inspired niya sa pag-aaral. She was showing off not just to her parents but mainly, she wanted to excel because of Francis.
“It’s just a list.”
“Ano?” si May Rose na nanlaki ang mga matang nakatitig sa katabi nitong si Claudette. Nasa mukha nito na gustong matawa, mamangha at mainis sa babae.
“Awards are not the only gauge for a person’s success later in life.”
Tumirik na nga ng tuluyan ang mga mata ni May Rose habang ibinalik ang titig sa listahan ng dean’s listers na nakapaskin sa bulletin board ng university. “Yeah, sinabi ng babaeng may nakasangsang na gintong kutsara at tinidor sa bibig nang ipanganak.”
Magsisimula na namang magbangayan ang dalawa.
“Minamaliit mo kaming nasa listahan na ‘yan?” nguso ni May Rose sa listahan. “Nandiyan ka rin sana kung hindi puro party ang alam mo.”
Claudette didn’t quite like May Rose’s remarks. She eyed May murderously. Kaya lang, kahit gaano pa nito ka maldita, natatalo ito sa wit at kabaklaan ni May. May isn’t the type na basta na lang titiklop kahit kanino. Sa loob ng isang taong nasa uni sila, nagagawa niya namang pagsamahin paminsan-minsan ang dalawa. Kaya lang. laging nauuwi sa pagbabangayan ang mga ito. Complete opposite ang personalities ng mga kaibigan niya.
“Tama na nga ‘yan. Mag-aaway na naman kayo niyan.”
Balak pa naman sana niyang ayain ang dalawa. Celebration sa achievement nila ni May. Mabuti na rin lang at dumating na rin ang sundo ni Claudette. Para yatang naghihigpit ngayon ang daddy nito. Laging may nakabuntot na bodyguard o ‘di naman kaya, ang protégé ng tatay nitong congressman ang naghahatid-sundo sa babae. Kaya naman, ubod simangot ang mukha ng babae nang lapitan ito ng bodyguard at ni Joseph.
“Can’t I have a little freedom? Buntot na lang kayo nang buntot sa akin.”
Joseph is just mature enough never to entertain Clau’s tantrums. Tahimik lang nitong kinuha ang bag ng babae, bahagyang tumango sa kanila tanda ng pamamaalam at inakay na si Claudette palayo. Kapag hindi babantayan, siguradong kung saan-saan na naman pupunta ang babae. Kaya nga she behaved properly pagkatapos ng insidente noon sa bar. Ayaw niyang binabantayan ang bawat kilos.
“Hay, buti na rin!” May seem relieved.
Ewan niya na lang pero sa nakalipas na isang taon, allergic pa rin ito kay Clau. “Tayo na nga lang. Kumain na muna tayo.”
Masaya silang nag-uusap habang naglalakad patungo sa gate. Ang daming kwentong patawa ni May kaya naman, napapahalakhak siya.
“OMG!” Naputol ang anumang sinasabi ni May nang tila may nakitang kababalaghan sa unahan, sabay pigil pa sa braso niya.
“What?” Sinundan niya ang direksyong tinititigan nito at ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya. Parang kinain ng hangin ang iba pang sinabi ni May sa nakita. Her eyes were now fixed on something. No, it was someone. Isang lalaking nakaupo ngayon sa hood ng kotse nito at nakatungo sa paanan.
Francis. Dalawang linggo rin itong nawala. She so missed him. Kung maaari lang na takbuhin ang kinaroroonan nito at yakapin ito.
“Naks naman, sinundo ng jowa.”
Ara siyang nagising sa ginawang pagsiko ni May sa kanya.
“May, baka marinig ka.”
Tumawa ng malakas si May dahil sa nakikitang pamumula ng kanyang pisngi. That caught Francis’ attention. Nag-angat ito ng mukha. God knows kung paanong mas tumindi ang t***k ng puso niya nang masilayan ang matamis nitong ngiti na puminta sa mukha nito.
Francis is just too handsome even in a simple shirt and jeans.
“Laway mo, tumutulo na.” Halos hindi na gumagalaw ang bibig ni May Rose habang nagsasalita. Papalapit na kasi ang binata sa kinaroroonan nila. Baka marinig nito.
“Hi.”
Sa loob ng halos isang taong inaambunan siya nito ng atensyon, minsan hinahatid at sinusundo pa siya, para pa ring hindi nasasanay ang puso niya sa kagwapuhan nito. Ang kilig ay mas lalo pang yumayabong. Pinakatago-tago nga lang. Only May took notice of her feelings. Nakakahiya kasi. Isa pa, taken na ito. Kung hindi lang personal na utos ni Tito Fed na titingnan-tingnan siya, baka hindi siya nito pinagkakaabalahang puntahan.
“Hi, Kuya Francis!”
Naiilang siya kapag kuya ang tawag ni May kay Francis samantalang pangalan lang nito ang gamit niya.
“May Rose.” Para kasing normal lang sa binata at sa kaibigan ang magbiruan. Sa kanya, minsan lang talaga nagagawa ni Francis ang ginagawa nito na panggugulo sa buhok ng kaibigan. “Sakay ka na rin, sama ka sa amin.”
“Saan pupunta?” namimilog ang mga matang tanong ni May na bahagya pang sumulyap sa kanya.
“Sa bahay.”
May okasyon kaya? Sa naaalala niya, in three weeks time pa ang anniversary ng parents nito.
“I’d love to, Kuya, pero kasi, may kikitain pa akong kaibigan, eh.”
They were originally planning to eat. Nagsisinungaling si May. Pasimple siyang tinitigan ni May sa nanunuksong titig. Kinindatan pa siya nito. Takot lang niya nab aka mamaya, mapansin ni Francis. Lagot siya. Ito kasing si May, may eagle eye. Nakita ba naman ang scribbles niya sa likod ng notebook. Mula noon, walang habas na siyang tinutukso kapag nagkakasama sila.
“So, mauuna na kami. Make sure you get home on time, okay?”
Pinagbuksan siya ni Francis ng kotse. Kung may nag-uumapaw man sa pagiging gentleman na lalaking kilala niya bukod sa daddy niya at kay Tito Fed, si Francis na ang ino-nominate niya.
“Anong meron?”
Nasa kahabaan na sila ng daan papunta sa mansion ng mga Alcantara nang maisipan niyang magtanong.
“Just a simple dinner. Para hindi ka na magkumahog sa pagluluto.”
Alam kasi nito na hindi siya basta-basta kumakain ng luto sa labas. She takes time to prepare her own meals. Nagpa-fast food lang siya kapag nagagahol na talaga sa oras.
Nakita niyang may inabot ng isang kamay si Francis sa dashboard ng kotse. Isang Tom Clancy novel .
“To keep you company.”
Pero mas nakuha ang atensyon ng isang guitar guidebook na kinapapatungan ng novel. “Can I?”
“Sure.” Si Francis na mismo ang kumuha sa guidebook at iniabot sa kanya.
Binuklat-buklat niya iyon. “Mahilig ka rin sa gitara?”
“Yeah. Pastime. Lalo kapag stress ako sa work.” Lumiko sila sa isang ekinita. “Nga pala, I watched you played guitar in school.”
Mulagat ang mga mata niya. “You did see me?”
“Yup.”
Napasimangot siya. “Nakakainis kasi si May, nilista ako. Napasubo tuloy.”
Natawa si Francis sa kanya. “You are talented, Bettina. Huwag kang mahiya na i-showcase ang talent mo. Actually, naisip ko, ibibigay ko na sa’yo ‘yan.”
“Really?” She was beaming with excitement. “Wala nang bawian ah.”
“Whatever you say,” natatawa nitong turan.
Isinarado niya ang guidebook at ilalagay na sana sa canvas bag nang aksidenteng tumapon ang mga laman niyon. Nahulog sa sahig ang mga gamit niya at notebook niya at saktong bumuklat sa pinakagitnang pahina. Parang nanlapot ang pawis niya nang direktang dumako ang mga mata ni Francis sa nakasulat doon.
“Xisco,” mahinang basa nito sa pangalang nakasulat sa malalaking letra. Pinulot nito at ibinigay sa kanya nang may nanunudyong ngiti sa mukha. The car stopped. Francis had all the time to tease her, without even knowing that Xisco was actually there, sitting beside her. “Who’s he?”
Napalunok siya sa tanong. ‘Ang burara mo kasi, Bettina.’
“I bet crush mo?”
Napatango siya. Totoo naman din. Alangan namang sasabihin niya ang totoo.
Francis smiled. “Quite a unique name, huh.”
‘Yes, unique and special.’
Nagsimulang umusad muli ang sasakyan. Nakahinga siya ng maluwag. Itinuloy niya ang ginagawa at umayos ng upo nang nakatitig sa labas ng bintana ng sasakyan.
“Bettina?”
“Hm?”
Paglingon niya, nakataas na songbook sa ere ang sumalubong sa mga mata niya. Nakalimutan niya palang ilagay sa bag.
“Ayaw mo?”
“Gusto!” Ang bilis niyang nahablot iyon mula sa binata.
“Glad you liked it. Actually, it was Elizabeth who chose that for me one time na namasyal kami.”
Bumulusok pababa ang tuwa niya pagkarinig sa pangalang binanggit nito. Ayaw niyang napapadako sa babae ang usapan. Nawawala siya sa mood. Wala naman siyang magagawa. Nasa bahay rin kaya si Elizabeth? Sana wala, she silently prayed but her prayers weren’t granted. Kasamang sumalubong sa kanila ang babae pagkababa pa lang ng sasakyan. Naka-smile pa at aaminin niya, Elizabeth is beautiful. She was morena pero sobrang ganda. Lumapit kaagad ito kay Francis.
Naibaling niya ng wala sa oras ang paningin nang humalik ito sa pisngi ng lalaki.
PDA talaga?
“Hi, Bettie.”
Muntikan nang malukot ang mukha niya. Nakiki-Bettie pa. ‘Di naman sila close ah. Tawag ng magandang asal, she smiled at her. “Hi.”No need na pahabain ang usapan, she excused herself at lumapit kina Tito Fed at Tita Constancia.
At least, nabawasan ang inis niya dahil sa mainit na pagbati ng mag-asawa. Inakbayan pa siya ni Tita Constancia.
As they headed to the dining area, she noticed a beautiful bouquet of flowers on the table. May okasyon nga. Ang sasarap lalo ng mga putaheng nakahain. She had been in this house many times already and she could tell that this dinner was somewhat significant. Nalaman niya na lang na celebration pala ng pagpasa ni Elizabeth sa CPA board exam.
Hindi lang pala talaga maganda at sexy si Liz, matalino at magaling din. How could she ever compete with a woman like this? Scholar ng foundation ng mga Alcantara, may difficult childhood daw ayon kay Tita pero nagawang payabungin ang sarili sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Siya kasi, masasabing ni minsan, hindi nakaranas ng hirap sa buhay. Isa lang naman ang angkan nila sa mga mayayaman sa Ilocos.
Kung mahirap kaya siya, magugustuhan din kaya siya ni Francis?
“To my love, to more achievements in life.” A toast was offered by Francis. “I love you, Liz.”
Sumosobra na ang mga ito ha. Naghalikan pa sa harap nilang lahat. Sa ginawang pagkilos ni Elizabeth para maglapat ang mga bibig ng mga ito, medyo nalihis ang collar ng damit nito. Nasilip niya tuloy ang mayaman nitong hinaharap.
‘Size B or C, I guess.’
Napatungo siya ng lihim sa dibdib niya and she felt insecure with her size A. Nakakayamot pa, Tita Constancia ang Tito Fed seemed to condone the scandalous act.
Nagpingkian ang mga glasses nila at sa lahat ng nasa mesa, siya lang ang tanging juice ang iniinom all because Francis didn’t allow her to have a single sip of wine.
“Trust me, Ma, Pa, she’s bad with alcohol,” sinabi ni Francis nang magkomento si Tito Fed sa juice na ininom niya.
“How come? Paano mo nalaman?” Nakita niya kaagad ang kakaibang ningning sa mga mata ni Elizabeth nang sulyapan nito si Francis. Parang may hinihinging paliwanag, but Francis was too quick to find the most believable answer.
“One time, inubos niya ang fruit cake na niluto ni Mama, nakatulog siya pagkatapos. She get drunk.”
There was some truth to it. Liz wasn’t convinced. She may be young but she understood body language already. Ilang segundo ding tumitig ito sa kanya, trying to carefully assess her personality.
Natapos ang gabi na nasentro kay Liz ang usapan. To rub salt to her wound, isinabay pa siya nina Francis at Liz pauwi. Nasa backseat siya habang ang saya ng dalawa sa harapan at buong-buo niyang nakikita ang sweetness ng mga ito.
She wanted that.
She wanted her hand to be held firmly by Francis and kissed by him so tenderly. Moreover, she dreamed of this man looking lovingly into her eyes as if she were the most beautiful woman in the world.
Naibaling niya sa labas ng bintana ang pansin. Ayaw niya lang na nakikita ang tagpong nagpapakirot ng kanyang puso. She’s envious, utterly jealous and hurt.