Year end break meant spending time with the family. Noong unang mga uwi niya sa kanila sa Laoag, sobrang excited pa niya na makasama ang pamilya. This time around, nahahati ang isip at puso niya. Parang naiwan sa Manila ang malaking bahagi. Her remedy to her melancholy, pinagkasya niyang sumama sa mga lakad ng daddy niya. Paminsan-minsan, dinadaanan siya ng mga pinsan para mamasyal. Naiisip niya tuloy, sana, nag-summer class na lang siya.
“How do you plan to celebrate your birthday, hija?”
Nasa hapag sila, kasalukuyang kumakain ng agahan nang buksan ng daddy niya ang usapan.
“I don’t know, Dad.” Sinabayan niya ng pagkibit ng balikat ang sagot at sa pagkain ng bagnet itinutok ang pansin. Sa totoo lang, wala siyang planong mag-celebrate. Mas gusto niyang sa eighteenth birthday na lang. That would be a year from now.
“Gusto mo bang mag-travel na lang tayo, anak?” ang mommy niya na hinaplos pa ang likod ng kanyang palad. Again, taking a trip didn’t sound so enticing.
“I’ll think about it, Mom.”
Sumimangot ang ina.
“Well, we;re going to have a small salu-salo na lang, dito sa bahay.”
Alam niya namang hindi niya mahihindian ang ina. Bago sila nakaalis ng papa niya ng araw na iyon, may dumating na bisita. Isang event organizer. Mukhang mas excited pa ito sa kanya.
“Naiisip ko na kung anong paghahanda ang gagawin ng nanay mo oras na tumuntong ka na ng dise otso,” his dad commented. Napapailing na lang ang ama habang nakatitig sa ina na hindi magkamayaw sa pagpili sa motif ng magiging okasyon. Her mother knows best. Bilang apo ng isang American diplomat at Filipina socialite, lumaki itong marangya ang buhay at sanay sa mga sosyalan.
“Hon, hindi mo pwedeng isama ang anak mo ngayon sa opisina.”
Nagkatinginan sila ng daddy niya at parehong nagkangitian. Napakamalumanay ng nanay niya, pero ito ang batas na sinusunod sa buong bahay.
“Paano ba ‘yan?”
“I know, Dad.”
Sa loob halos ng dalawang oras, nakiumpok siya sa ina at tahimik lang na nakikinig sa usapan nito at ng organizer. Metikuloso nitong inisip lahat ng details ng okasyon. Kung nagkataong hindi nag-stay-at-home mom ang ina, malamang, isa itong magaling na working professional. But nothing beats kung gaano ito kagaling na nanay. Someday, she wanted to be like her mother. Sa pamilya na bubuuin nila ni Francis.
‘Si Francis na naman.’
Wala rin lang naman siyang ambag sa usapan, minabuti niyang umalis na lang at maggitara sa loob ng silid. Baon niya hanggang dito ang bigay ni Francis sa kanya.
“Bored?” ang nanay niya na sumunod pala sa kanya sa hardin. Hinalikan nito ang bumbunan niya at pagkatapos ay inilapag ang dalang sandwich at juice sa bedside table. Umupo ang nanay niya sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok niya. “Just tired, Mom.”
“May gusto kang ipahanda for lunch? Papapalitan ba natin ng tuna sandwich?”
“That’s okay, Mom.”
Wala siyang ganang kumain lately.
“Paano ba ‘yan, mamamayat ka lalo. Baka mamutla ka. Eh, ‘di, mas lalong hindi maaakit si Francis sa’yo?”
Pabigla siyang napabalikwas ng bangon at kinakabahang napatingin sa mommy niya. Nanlalaki ang mga matang napatitig dito.
Ngumiti lang ang mama niya at hinaplos ang mukha niya. “Dalagang-dalaga na nga ang baby ko. Marunong nang magkagusto sa isang lalaki. And he’s not just any guy.”
Napatungo siya. “How…how did you know, Mom?”
Inilapit ng mommy niya ang mukha sa kanya at hinagkan ang tungki ng ilong niya at niyakap siya nang mahigpit. “I’m your mom. I would always know.”
Now that her mom knew, gumaang kahit paano ang pakiramdam niya. At least, may nadagdag na isa pa bukod kay May na malaya niyang nasasabi ang nararamdaman.
Bisperas ng kaarawan niya at ang simpleng handaang sinabi ng ina ay nauwi sa malaking event. This was a grand occasion. Ang ganda ng ayos ng bakuran nila. Pati kurtina nila ay sumabay sa napiling powder blue motif ng ina. Balloons and flowers can be seen everywhere.
“Feels like it’s my debut already, Mom.”
Yumakap siya sa ina at nagpasalamat dito.
“Like it?”
“Sobra.”
“Siya, pumanhik ka na sa loob para maayusan ka ni Shirley.” Ang make up artist ang tinutukoy nito. “Aakyat ako mamaya para i-check ka, okay?”
“Thanks, Mommy. But I guess this is too much.”
“Nothing is too much for a perfect daughter like you. Oops, don’t let Lorraine know I said that.” Animo bata pa na natakpan ng ina ang bibig ng kamay nito. Nagkatawanan sila ng ina at niyakap niya ito pagkatapos. “You deserve everything in the world, Bettina Layne.”
Indeed, everything seemed perfect. Wearing a beautiful ball gown dress and she felt like a princess. Nang bumaba siya, lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Admiration can be seen from people around. Prinsesa ang pakiramdam niya ng mga oras na ‘yon.
“Happy birthday, Bettina!”
Napuno siya ng pagbati ng lahat ng dumalo. She was the center of attention. She should be happy pero kulang pa rin. May hinahanap ang mga mata niya. Natuon ang paningin niya sa umpukan ni May Rose at ng mga high school batchmates nila. Kasama ng mga ito ‘yong pinakamakulit na kaklase niya dati na laging nagpapalipad-hangin sa kanya na kalaunan ay nag-aya sa kanyang isayaw siya.
“I’m sorry, but my feet hurt kasi,” alibi niya na pinangiwi pa ang mukha as if masakit nga ang mga paa.
Nang gabing ‘yon, hindi mabilang ang mga lalaking gusto siyang isayaw. May anak ng mga kapwa politico ng papa niya, may mga anak ng mga businessman sa Ilocos. Sabi nga ng mga pinsan at nina May, she was the envy of many tonight.
Unfortunately, tinanggihan niya lahat.
They’re simply not Francis.
Napabuntong-hininga siya. Sana pala, inimbita niya. Nahiya pa kasi siyang mag-long distance.
As the hour passed by, mas dumami pa ang mga bisita. Oo nga at nakangiti siya pero hindi talaga buo ang saya niya.
“Is he here already?” ang mama niya na nagmamadaling magpaalam sa kausap nitong asa ng vice mayor ng lugar nila. Nilapitan nito ang papa niya at may ibinulong. Kasunod niyon, magkasamang umalis ang mga ito.
‘Another irrelevant guest.’
Nawalan na talaga siya ng poise at basta na lang nag-slouch sa upuan. Nilaro-laro sa pagitan ng mga daliri ang fan at doon lang nakatitig. Naririnig niya ang haakhakan nina May pero hindi pinagkaabalahang makisawsaw. She just wanted for this night to be over.
“My God, Bettina!”
Kunot ang noo niyang nilingon si May. Para itong ewan na ang lapad ng ngiti. Pati mga babaeng batchmates nila ay sa iisang direksyon lang nakatingin. Ngumuso si May, pinasusunod siya ng tingin sa kung saan man. Tinatamad siyang tumalima.
There, in that instant, her heart raced wildly.
Just one glance of that man and she’s almost lost in time. Umawang ang bibig niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita.
‘Francis is here!’
Totoo kaya? kumurap siya at kinurot ang sariling palad at pumikit. Sa muling pagbubukas niya ng mga mata, napatotohanan ang lahat. Francis stood before her, exuding charm in a simple polo and faded pants, clutching a bouquet of flowers. His sweet smile beaming captivated her heart.
“Francis?” she managed to whisper his name.
Is he really here?
She closed her eyes but Francis was still there when she opened them again.
“So, hindi mo lang ba ako babatiin?”
Gathering all courage left in her, she said hi. Mas lalong naging matamis ang ngiti ng binata. Humakbang pa ito palapit lalo sa kinauupuan niyang upuan at nalanghap niya ang napakaayang bango nito. Nanunuot sa ilong niya.
“How…how did you know?” Utal-utal na naman ang pagsasalita niya.
“Your mom called and invited me?”
Ibinigay nito sa kanya ang bulaklak. Ang hindi niya napaghandaan ay ang ginawa nitong paghalik sa pisngi niya. Parang nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Their first kiss. Finally! Gusto niyang tumili sa kilig pero hindi pwede. People are looking at them like they were some kind of a spectacle.
“Happy birthday, Princess Bettina.”
That would probably be the most important greeting for the entire night. Ang puso niya, hindi na talaga mapakali. Nakakatakot lang na baka marinig nito ang bawat maingay na paghampas. Mabuti na lang at lumapit sina May at ang mga pinsan niya at kinausap si Francis.Nang tingnan niya ang mommy niya, may matamis at kuntento itong ngiti sa mga labi. Her mother knew what would really make her happy tonight. Her mama is simply the best.
“Thank you, Mom,” she mouthed.
“I love you,” mutedly her mother answered.
As the night of happiness and laughter unfolded, her heart became even fuller. Lobong-lobo na sa labis na kasiyahan. Lalo na at nasa tabi niya lang nakaupo si Francis. Kalaunan, numipis ang bilang ng mga taong dumalo sa okasyon. Nagsiuwian na rin ang mga pinsan niya. Imbes na dito matulog, kinulit ni Kristina ang mga ito na umuwi na. Kumindat pa ito sa kanya. May ibig sabihin ang kindat. Namula tuloy ang mukha niya.
“I have a gift for you nga pala.”
“Saan?”
Nasa gate sila at inihahatid ang mga kaklase. ‘Di niya alam na sumunod pala ang binata.
“Nasa kotse.”
Grabe! His presence was more than enough already, may flowers pa, at regalo. Excited na siyang makita ang regalo nito. To add to her excitement, hinawakan pa ni Francis ang kamay niya para igiya patungo sa sasakyan. Parang tumigil sa pagtibok ang puso niya, the moment his arms held hers.
Parang gusto niyang habulin ang kamay nito nang bitiwan pansamantala.
Francis opened his car.
Nasilip niya mula sa loob ang isang bagong-bagong gitara na may may gold ribbon. Nangingislap ang mga mata niya nang tuluyan iyong ilabas ni Francis. Isang mahaba at malaking kahon na may nakataling ribbon.
“Tinulungan ako ni Mama to find the perfect gift for you.”
“Really?”
“Pwera biro. Pwedeng sa loob mo na buksan .”
“Dito ko na bubuksan.”
“Let me have the honor, princess.” Pabiro pa nitong iniyuko ang ulo at inilagay sa likod ang isang palad at sa puson naman ang isa pa. Francis did the honor to open the gift for her.
To her surprise, isang gitara ang laman niyon. Sa sobrang kaligayahan niya, ‘di niya napigilan ang sariling sugurin ng yakap ang binata. “Thank you…thank you so much.” Hindi matapos-tapos ang pasasalamat niya. The happiness was just too much to take.
“It’s…it’s nothing…”
Napadilat siya ng mga mata. Dahan-dahang napalis ang ngiti niya. Ang awkward lang. Francis stiffened, yet she sensed the rapid rhythm of his heartbeat. Nabitin sa ere ang guitar na hawak nito hang ang mga braso niya ay nakapulupot sa leeg nito.
Dahan-dahan siyang bumitaw mula sa binata. As much as she could, she acted normal. Sinigurado niyang may nakapintang ngiti sa mukha nang muling titigan ito.
“Akin ba talaga ‘yan?”
Thankfully, nagawa niyang umaktong tama.
“Y-yeah. This is..yours.” May bahagyang paggiwang sa boses nito. Nagalit ba ito na bigla na lang siyang nangyayakap?
Next time, mas mag-iingat siya.
‘Kasi naman, Bettina, eh!’
Tumikhim si Francis. Parang may pinapatag sa dibdib? Ewan. “Why don’t you play it?”
A good way to channel away the awkwardness she felt. Pumasok sila sa loob ng bakuran at naupo sa gitna ng hardin. Ilang saglit lang, pumailanlang na ang malamyos na tunog ng gitara. No particular song, she just simply followed a rhythm that her heart created. Ang mga tauhang nagliligpit ng natitira pang mga kalat, napapatigil at nakikinig sa kanya. Pakiramdam niya tuloy, she was having a show, and if it was really a show, she would never get tired of playing this guitar for just one person: Francis.