Tatlong araw ang nakalipas, iniuwi na nila si Noah sa bahay. She took a leave of absence to personally take care of her son. Kahit naman hindi iutos ng mama o ni Francis, gagawin niya pa rin. Sa lahat ng therapy sessions ni Noah, nasa tabi lang siya nito palagi, nagpapalakas ng loob nito, nagbibigay suporta. Kapag nakikita niya ang bawat progress ng anak, siya ang pinakaunang natutuwa. Kagaya niya, kay Noah lang din ang buong atensyon ni Francis. Habang napipirmi sa bahay at inaalagaan ang anak niya, may mga reyalisasyon siyang nabuo sa sarili. She missed doing things for her family. She even missed cooking for them. “Ma’am?” Parang nakakita si Belen ng multo pagkapasok sa kusina at nandoon siya para maghanda ng breakfast para sa pamilya niya. It had been a long since the last time she

