BOOK 3 (TOS - 25)

1653 Words

“You don’t like the food?” si Francis na nag-aalala sa kanya. “Namumutla ka yata.” Sinalat pa ni Francis ang ulo niya. Sino ba ang hindi mamumutla kung hindi niya masukat ang laman ng utak ni Rufus. Lately, nakikita niya ang pagiging impulsive nito. Ramdam niya ang pamamawis ng mga palad niya. Halos mabingi na siya sa pagkabog ng malakas ng kanyang puso. Rufus is stalking her, and she was restless. Nakakapagod bigla. Sa muling pagbaling niya sa kinaroroonan ni Rufus, nakita niyang umaandar na itong palayo. Para siyang natatangang nakatitig sa binakante nitong espasyo. “Bettina?” “Mom, what’s wrong?” Pati ang anak niya nagtataka na rin. “H-ha? W-wala.” Sinikap niyang ituon ang pansin sa pagkain at sa pamilya kahit pa nga ang totoo ay halos umuusok na ang pang-upo sa kinauupuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD