“”Bettina, anak.” Ang higpit ng yakap niya sa daddy niya. Iniwan nito ang mga kausap at tanging sa kanya natuon ang atensyon. Matagal-tagal an ring hindi sila nagkikita ng ama. “What happened to your head, Bettina?” ang mommy niya na hawak pa ang isang platter na lumapit sa kanila ng ama. Sa ina naman siya nagmano at yumakap. “Konting stitches lang naman, ‘my.” “Anong konti ha?” Bumitaw sa kanya ang ina at hinawakan ang baba niya at sinipat ang mukha niya. “Mom, I’m okay. Tsaka, na-check na po ako ng doctor. Bago ako umalis, dinala muna ako ni Francis sa doktor.” “Where’s Francis? Noah?” Sumilip pa ang ama sa labas ng maindoor. “Apparently, he’s busy, Dad. May biglaang meeting. Supposedly, sasama siya. Well, andito naman ako, ‘di ba?” Iniabot niya ang regalo sa ama. “ Nangangaw

