Bettina believed that she could still save her marriage. Pag-uusapan nila ni Francis ang lahat. Hihilingin niya sa asawa na bumitaw ito kay Elizabeth. Hindi siya magagalit, ang importante lang naman, magawa nilang i-repair ang anumang pwede pang ayusin. Hahanap lang siya ng tamang tyempo, ang mahalaga, makabibitiw na siya kay Rufus. Kahit alam niya sa sarili niyang mahihirapan siya. She was saving her energy and preparing her heart for the day’s mission. It was a monday, pero walang pasok sa bangko. By now, nakabalik na rin ng ang mga tauhan niya. Sabi ni Angeline kanina nang tawagan niya, nasa airport na ang mga ito. Habang hinihintay niya ang oras, kung anu-ano muna ang inaatupag niya sa bahay. Nakaalis na rin si Francis. She was left alone, thinking…contemplating. Hapon nang magdes

