BOOK 3 (TOS- 11)

1805 Words

“Balik na tayo sa cabin.” Tiningnan niya muna si Clau. Napapalayo na pala siya sa kaibigan. Nasa pakikipagsayaw sa lalaking kaharap nito ang atensyon. Bago pa man siya makahakbang palapit sa kaibigan para magpaalam, hila-hila na ni Rufus ang braso niya. Nagpatianod siya. She instantly forgot about Clau. Right at the moment, there was nothing more important than being with Rufus. Habang mabibilis ang mga hakbang nilang tinatahak ang daan pabalik sa cabin, sumige naman sa pagkabog ng malakas ang dibdib niya. Inalis niya sa utak ang kaba na baka bukod sa kanilang tatlo ay may iba pang makakakilala sa kanya. She was miles and miles away from home; she had all the freedom in the world to savor. Sa kung paanong paraan nila narating ang cabin, hindi na niya matantiya. Sa daan pa lang kasi, wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD