Nangangagat na sa balat ang liwanag na tumama sa mga mata niya nang magising. Claudette was already up, nakapaligo na nga at may tuwalya pa sa ulo nito. “Ako ang nagwalwal kagabi pero ikaw itong mukhang pagod na pagod.” Hinila siya ni Claudette patayo. Wala itong pakundangan kahit pa nga pipikit-pikit pa ang mga mata niya. “Can I sleep muna?” “Gaga! Daing mo pa ang anak ko sa umaga. Dumidikit ang pwet sa kama. Mukha kang nakipagbakbakan ng libong beses kay Francis.” Parang nahulas lahat ng antok niya sa sinabi ng kaibigan. “I was just…just tired, Clau.” “Tired? Hindi ka umakyat ng bundok para mapagod ng ganyan. Get up and let’s start the day. Ang dami nating gagawin ngayon.” Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Saka niya naisip, masyadong exposed ang balat niya sa suot na ni

