So the affair continued. Mas naging discreet. Ayaw niyang mawala si Rufus sa buhay niya. That’s for certain. Ang bumitaw sa kaligayahang kaya nitong iparamdam sa kanya bilang babae ay tila hindi na niya makakayanan pa. Wala ng ibang kilala ang katawan niya kundi ito. Ang isip naman, bumabalik-balik sa mga tagpong iiwanan niya sa ibabaw ng kama kasama ito. She convinced herself to believe: they were simply having fun. Walang pusong nakataya. PAreho silang may asawa ni Rufus. Hindi nila mahal ang isa’t-isa. Mahigpit niyang pinagbawalan si Rufus na h’wag nang ulitin pa ang sinabi nitong mahal siya. Hindi ito nangulit pa. “Bettina, kanina mo pa tinititigan ang pagkain. Ayaw mo ba?” Her troubled mind wandered back to the person in front of her- May. She glanced at her, smiled and took a b

