AZALEA's POV I'm scared.. Hindi sa kaniya kung hindi sa kalagayan niya. Parang ibang tao siya kanina.. nagwawala at hindi nagpapaawat sa pakikipag away. Mahigpit ko siyang niyakap dahil punong puno ng pag aalala ang puso ko. Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata habang chinicheck ang kalagayan niya. "Hey.. hon." untag ko ulit at mahinang tinapik ang pisngi niya dahil natulala siya bigla. "I-I'm sorry.." usal niya pa. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit at napapikit na lamang ako knowing that he's fine. Bumalik kami sa table namin as the party continues. Nag request ako ng first aid kit para gamutin ang sugat niya sa labi. I am watching him intently at napakunot ang noo ko nang makita ang pag ngiwi niya habang papaupo sa couch. Mabilis akong lumapit sa kaniya. "What's wro

