"There's lots of changes sa house niyo, tito Lorenzo." rinig kong pahayag ni Bianca nang makarating kami sa kusina. Mabilis akong ipinaghila ng upuan ni Lucas kaya ako ang unang naupo sa hapag. Tumabi naman siya sa aking kaliwa habang nasa kanan ko nakaupo si Mara, kasunod niya si Kuya Logan. Napatingin ako kay Bianca nang pumwesto siya sa kaharap na upuan ni Lucas habang kaya siya ang nasa kaliwa ni tito Lorenzo. "I know, hija. Ilang taon na din naman ang nakalipas." Tugon naman ni tito Lorenzo nang makaupo siya. Napatingin ako kay tita Louise nang hindi pa siya umupo. Nasa counter pa siya at may inaasikaso pa yata. "Tita??" taka kong untag. Nilingon niya ako mula sa counter at nginitian. "Just a minute, hija." wika niya kaya napatango ako. "You good, baby girl?" bulong ni Lu

