“I know Lucas, bata pa lang magkasama na kami at alam kong hindi siya basta basta mag sesettle lang! Lalo na sa isang kagaya mong walang alam. Tell me, do you even know how to pleasure him huh?” Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Kumulo ang dugo ko bigla. Ikinuyom ko na lang ang mga kamay at huminga ng malalim. I won’t do the first strike. No. Hindi pwede, nakakahiya kila tita Louise. Narinig ko ang nang uuyam niyang tawa kaya matalim ko siyang tiningnan. “Oh geez.. you don’t know? Did I just hit you? Sapol ba? My god! Mas magaling pa nga siguro ako sayo—“ Hindi ko napigilan ang kamay at kusa iyong lumagapak sa kaniyang pisngi. Suminghap siya at napahawak sa kaniyang pisngi. “Wala akong pakealam kung mas magaling ka, Bianca. Hindi mo ako kilala, lumayo layo ka sa asawa ko kung

