┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakaupo si Ynah sa harapan ng dagat. Malalim na ang gabi at tahimik na ang paligid. Sinigurado niya na tulog na tulog na si Trisha ng lumabas siya ng silid nila ng patingkayad. Gusto lang niyang magpahangin at makapag-isip. Gusto lang niyang mapag-isa para hindi magulo ang utak niya. Humugot ng malalim na paghinga si Ynah at tinungga ang hawak nitong bote ng beer. Pagkatapos ay tumulo ang kanyang mga luha. Sobra siyang nasasaktan dahil sa maghapon niyang nakasama si Arquiz sa iisang lugar... hindi nito inaalis ang mga mata kay Diana. Lalayo lamang ito kapag lumalapit na si Nato. Kahit na hindi nilalapitan ni Arquiz si Diana, nararamdaman naman niya ang pagmamahal nito sa asawa ni Nato. Nadudurog ang kanyang puso, she didn’t want this, not even a little, but what choice

