◄Arquiz's POV► "Ano ba ang problema mo at kanina pa mainit ang ulo mo. Paano ka haharap sa board members niyan mamaya sa meeting kung ganyan ang hitsura mo. Baka maibunton mo pa sa kanila ang matinding init ng ulo mo. Ano ba ang problema?" Napatingin ako kay Seth. Umiling agad ako at muli kong tinitigan ang comp[uter ko. Pero hindi ako makapag focus. Ano ang ginawa nila sa yacht? Hindi ako naniniwala sa sinabi niya sa akin na nag-kwentuhan lang sila. Huwag niya akong gaguhin. May kasunduan kami na walang kahit na sino ang pwede naming sipingan, tanging kami lang dalawa at lahat ng usapan namin na 'yon ay sinunod ko. Ni hindi ako humawak ng ibang babae, pagkatapos ay makikita ko sila ng pinsan ko na galing sa yacht at suot pa ang damit ng pinsan ko? Sino ang ginagago nila? Ako ba? I was

