┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ilang araw na rin mula ng makabalik sila ng Pilipinas. At katulad nga ng gustong mangyari ni Arquiz ay malaya silang nakakalabas-masok sa loob ng condo nang bawat isa. Pero ngayong araw ay umuwi muna si Ynah sa bahay ng kanyang mga magulang. Isang linggo na rin kasi siyang kinukulit ng mga ito na mag-stay sa kanila kahit na isang gabi lang... kaya pinagbigyan na niya ang mga ito. "Seryoso ka? Kayo na ni Arquiz? Hindi na kasunduan ang lahat?" Gulat na gulat na tanong ni Trisha. Pinuntahan siya ng kanyang mga kaibigan. Hindi kasi makapaniwala ang mga ito sa sinabi sa kanila ni Aja. Na ang kasunduan nila ay tinapos ni Arquiz upang magsimula ng bago... at upang tulungan niya itong makalimot sa unang babaeng minahal ng puso nito. "Alam ba ninyo na magang-maga ang mga mata n

