┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ngayon ay ikalawang araw na ng kanilang pananatili dito sa hacienda ni Raegan, at sa mga nakaraang araw nila dito ay wala naman silang naging problema at ang lahat ay maayos at tahimik. Maganda din ang ipinapakita ni Arquiz sa kanya. Para kay Ynah, ito ay isang napaka-espesyal na pagkakataon na dumating sa buhay niya. Masaya siya at puno ng pag-asa... na kahit hindi sinasabi ni Arquiz na mahal siya nito, ramdam naman niya sa mga kilos nito na siya ay mahalaga at espesyal sa binata. Sapat na muna 'yon para sa kanya. At habang nag-iisip siya at nakatanaw sa malayo ay pinukaw ng malaking boses ni Raegan ang pananahimik niya. "Ynah, what are you doing here all alone? Where's Arquiz?" Napalingon siya sa direksyon ng boses nito, at sa kanyang paglingon, isang ngiti ang sumilay

