┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakabalik na ng Manila sila Arquiz. Tatlong araw lamang ang inilagi nila sa hacienda ni Raegan dahil may mahalagang meeting na kailangang daluhan si Arquiz. Isa pa ay may misyon na ibinigay sa kanya si Marcus. And even Ynah knew na kailangan talagang bumalik na ng Manila dahil sa dami ng trabahong naghihintay sa kanya. Her office awaited her, along with a growing list of responsibilities demanding her attention. Nasa office niya ngayon si Ynah, busy sa maraming nakatambak na pipirmahan niyang mga dokumento. Hindi ito magkandaugaga kung ano ang uunahin niyang gawin. Patong-patong ang mga papeles sa ibabaw ng desk niya. Tatlong araw pa lang siyang nawala, pero parang tatlong taon siyang nawala dahil sa dami ng nakatambak na trabaho niya. Pero kahit natambakan siya ng trabah

