┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Hindi malaman ni Ynah kung ano ang kanyang gagawin. Masyado siyang nasasaktan sa nangyayari ngayon. Kasama niya si Arquiz, pero kasama din nila si Diana. "Arquiz... lilipat na lang kami ng table ng pinsan ko. Baka may pag-uusapan kayo na importanteng bagay." Sabi ni Diana. Umiling naman agad si Arquiz. Tumingin pa ito kay Ynah at saka ngumiti. "No. Wala kaming pag-uusapan, hindi ba Ynah?" Sabi ni Arquiz. Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi ni Ynah. "Okay lang kayo dito. There’s really nothing to worry about. Arquiz and I are just friends." Sabi ni Ynah. Pagkatapos ay ngumiti ito. "Pero Ynah..." Pinutol ni Ynah ang sasabihin ni Diana. "Naku Diana, lunch lang naman talaga ito. Wala kang dapat na alalahanin sa amin. We are just friends. Totally cool. Hindi naman nakakib

