❀⊱Yna's POV⊰❀ Kanina ko pa tinatawagan ang mga magulang ko pero hindi ko sila makontak kaya mas lalo akong nakakaramdam ng matinding takot. Paulit-ulit ang ginagawa ko, pero wala pa rin. Parehong number ng aking ama at ina ang kinokontak ko, pero kahit isa ay walang nagriring. As in, not even a single tone. Parang bigla na lang silang naglaho at hindi ko alam kung nasaan sila at kung maayos ba sila. "Arquiz, jusko hindi nagriring ang phone nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako, baka kung ano na ang nangyari sa mga anak natin at sa aking mga magulang. Natatakot ako, at hindi ko kakayanin kapag nawala sila sa buhay ko. Mas gugustuhin ko na lang din na mawala na lang ako." Umiiyak ako. Sobra akong nasasaktan ngayon. "Babe, please huwag ka namang ganyan. Ako ang nasasa

