┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maagang dumating ang mga magulang ni Ynah sa mansyon ni Arquiz. Tuwang-tuwa ang kambal ng makita nila ang lolo at lola nito. Agad nilang tinakbo ang mga ito at yumakap sa mga hita nila. "Lolo..." Sabi ni Yannah, pagkatapos ay itinaas niya ang dalawang kamay niya at nagpapakarga. Sa ina naman ni Ynah ay nagpakakarga si Yohan kaya agad itong kinalong ng lola niya. "Ang mga apo ko makakasama ulit namin." Tuwang-tuwang sabi ng lola ng mga ito. Napapangiti naman si Arquiz habang pinagmamasdan lang niya ang kanyang mga anak na masayang-masaya kasama ang mga magulang ng kanyang nobya. "Where's Ynah?" Tanong ng ama ni Ynah. Napakamot naman ng ulo si Arquiz at napatingin sa mga kaibigan niyang napatingin sa kanya. Mahinang natawa si Josh, pagkatapos ay natawa na din sila Sebastia

