┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Alas tres pa lang ay nakauwi na si Ynah. Dala niya ang mga groceries na pinamili niya kasama ang mga kaibigan niya. Pero umalis din ang mga ito matapos nilang maihatid si Ynah sa mansyon ni Arquiz. Dumiretso na agad siya sa kusina at tinawag ang isa sa kasambahay na kasama niya ngayon. Limang kasambahay ang kinuha nila sa ahensya para may tagalinis ng malaking bahay at may tagaluto. Kumuha din sila ng isa pang yaya para dalawa ang nag-aalaga sa kanilang mga anak. "Hey baby... mukhang busy ka sa pagluluto mo. Tara at tutulungan na kita. Magluluto ako ng Chinese food, 'yung paborito ng mga kaibigan ko. Tapos ikaw ay magluto naman ng Italian food. Si Manang naman ay paglulutuin ko ng mga Filipino food. Magsasawa sila sa mga pagkaing ihahain natin mamaya sa table." Sabi ni Ar

