❀⊱Ynah's POV⊰❀ Halos isang linggo na rin ang lumipas mula ng magtungo sa mansyon ni Arquiz sila Marcus. Kinakabahan ako dahil sa ilang araw na kailangan ko para masabi ko kay Marcus kung sino ang tumulong sa akin. Pero ilang beses ko ng tinatawagan si Rahiyah, kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakontak sa kanya. Alam kong busy siya ngayon dahil ang sabi niya ay pupunta siya ng Japan, pero I'm sure na nakabalik na sila ng Pilipinas. Kaya lang ay hanggang ngayon, wala pa rin sumasagot sa mga tawag ko. Nagri-ring na naman ang phone niya, hindi katulad nuong mga nakaraang araw na dumidiretso lang sa voicemail. Kaya lang, wala talagang sumasagot sa tawag ko. Iniisip ko tuloy na nawalan na siya ng tiwala sa akin. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. Nandito kami sa mall, nag-e-

