❀⊱Ynah's POV⊰❀ Hindi na muna ako bumalik ng Manila at tinanggap ko na lang ang imbitasyon ni Rahiyah na dito na lang muna ako tumuloy sa kanyang resort. Wala pa kaming natatapos na usapan tungkol sa interes ko dito sa resort niya, pero may ilang detalye na siyang ibinigay sa akin. Nandito ako sa rooftop ng building. Hotel style ito na may apat na palapag. Sa gitna ng building na nakapaligid sa kabuuan ng resort ay isang malaking infinity pool. Maganda ang lugar and I don't think na kakailanganin pa ito ng renovation. "How do you find this resort?" Boses sa likuran ko. Matikas, matigas at malaki ang boses ng lalaking nasa likuran ko. "It’s honestly perfect. Peaceful, beautiful, just the kind of plqce that clears your head." Sagot ko. Hindi naman kumibo si Matteo. "Alam mo, nakakataw

