┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang ay nagising na si Ynah nang dumampi sa mukha niya ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa bukas na sliding door ng kanyang silid. Overwhelmed by exhaustion last night, she had drifted off to sleep without even realizing the balcony door remained wide open. Painat-inat itong bumangon. Napatingin pa siya sa sofa at napakunot ang noo niya ng makita niya ang dalawang paper bag na may tatak ng sikat na brand ng damit at sikat na brand ng lingerie. Kunot ang noo niya na nilapitan ang dalawang paper bag, pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid. "What the hell! Hindi ko ba kinandado ang pintuan ng silid ko? Alam kong nakalimutan ko ang balcony door, pero sinigurado kong nakakandado ang pintuan ng silid." Bulong niya sa kanyang sarili. Dinampot niya ang da

