◄Arquiz's POV► Kararating lang ni Ynah, kasama.nito si Avvi at si Lucio. Kasama din ni Ynah ang kaibigan niya na si Anne. Hindi niya ako nilingin pero kanina ng bumaba siya sa helicopter ay sinulyapan naman niya ako. Humugot ako ng malalim na paghinga at hinitit ko ang sigarilyo ko. Napatingin ako kay Ynah na masayang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. "Patingin nga kasi!" Malakas na sabi ni Jonah habang inaagaw nito ang telepono ni Ynah. Kumunot ang noo ko. Ano ba ang pinagkakaguluhan nila sa phone niya? Bakit ganuon na lang sila kung tumili? Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Sebastian kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit ang tahimik mo naman yata? May problema ka ba? Nandito tayo para mag-enjoy... isulit na natin ito dahil p

