Chapter 46 -Calix-

1903 Words

┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Isang buwan na ang lumipas mula nang makabalik sila Marcus ng Manila mula sa hacienda ni Raegan sa Benguet. At simula ng iniuwi nila si Arquiz sa condo nito... wala na silang ibang inatupag kung hindi ang maghanap ng paraan para matulungan si Arquiz. Lahat ng puwedeng gawin ay ginawa na nila. Pinag-uusapan nila ang susunod nilang hakbang, pinag-iisipan kung ano pa ang makakabuti para sa kaibigan nila, at araw-araw ay umaasa silang sana kahit papaano... sana manumbalik ang dati nitong sigla... na sana ay huwag na nitong ulitin ang ginawa nitong pananakit sa kaniyang sarili. Masyado silang nasasaktan para sa kanilang kaibigan, kaya ginagawa nila ang lahat upang mahanap nila si Ynah. Ginagawa nila ang lahat upang muling mabuhay ang dating Arquiz. Hindi pa nila nakakausap ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD