┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Paglapag ng helicopter sa rooftop ng condo unit na tinutuluyan ni Arquiz ay nagmamadali na siyang bumaba. Bawat kilos niya ay may pagmamadali. Kailangan niyang kumuha ng ilang gamit at kailangan pa niyang tawagan ang pinuno niya upang ipaalam na ilang araw siyang mawawala. Pagkarating niya sa unit niya ay kinuha niya ang isang malaking bag pang travel at pinuno ito ng ilang gamit na kailangan niya. Nang maempake na ang lahat ay tinawagan niya agad si Marcus upang ipaalam na pupunta muna siya sa isang kaibigan ng ilang araw. Pumayag naman ito at wala naman daw siyang misyon na kailangang gawin. Tinawagan niya ang may-ari ng condo building na tinutuluyan ni Ynah upang ipabatid dito na lalapag ang helicopter ni Raegan sa private helipad nito. Matapos ang kaunting pag-uusap

