Black Sheep
Sa lahat ng aking pinagdaanan matutunan ko pa kaya ang magmahal? Lumaki akong umaasa na mamahalin at tatanggapin ako ng mga taong nasa paligid ko. Sa paglaki ko inakala ko na ang unang tatanggap sa akin ay ang pamilyang kinagisnan ko. Pero nagkamali ako... sa isang iglap nawala ang pag-asa ko sa salitang pagmamahal.
Paano kung dumating ang panahon na magsisi sila? Paano kung sa panahong iyon maraming nang nagbago sa buo mong pagkatao? Paano mo pa kaya sila papatawarin? Paano kung sa pagkakataong ito ay may dumating na isang taong magbabago sayo at sa tingin mo sa pagmamahal.
"Then wag mo akong mahalin.. masyado na akong basag para bumuo sa buhay mo"
"Hayaan mong tulungan kitang buuin ang sarili mo"
Ako si Gray Vasquez at ito ang istorya ko.....