Black Sheep 4

1372 Words
"Anong ginagawa mo dito ha?" maangas na tanong nito sa akin habang nananatili akong nakayuko mula sa kanya. Iba din itong lalaking ito kanina pa siya sa harap ko pero wala man lang balak akong tulungan makatayo sa pagkakadulas ko dito. "Could you please help me?" mataray kong tanong dito habang pilit akong tumatayo pero tinignan lang ulit ako nito. Ganito ba dito? Hindi ba dito uso ang tumulong at kailangang titigan ka pa? "at bakit naman kita tutulungan, eh hindi naman kita kilala? Baka mamaya magnanakaw ka o baka naman namboboso ka kaya nadulas ka diyan. Tsk tsk manyak ka ha" nang-aasar nitong sagot sa akin na nakapagpataas ng kilay ko. Seriously? Magnanakaw ako? Sa itsura kong ito mas mukha pa nga siyang magnanakaw sa akin. "Don't flatter yourself Mr. Sapa!! Sino ka ba para bosohan ko? Look at yourself mukhang ting-ting na nilagyan ng shorts..so please.. wag kang assuming" sagot ko dito sabay tingala at tingin sa kanya ng masama. Pero maya-maya lang ay parang nagulat ang itsura nito nanag makita ang mukha ko. "...Sir Gray?" tanong nito sa akin habang pilit tinitignan ang mukha ko na hindi masyadong maaninaw dahil sa natatakpan kami ng anino ng malaking bato. "Ano pong ginagawa niyo dito ng dis-oras ng gabi?" tanong nito sa akin habang nagmamadali akong alalayan patuyo sa kinalulugmukan ko kanina. Kung hindi pa ata ako makikilala bilang anak ng may-ari ng hacienda ay walang balak itong tulungan ako tumayo. See namimili nang tutulungan? Kung ako ang nasa posisyon niya........ well hindi ko siya tutulungan baka umuwi na lang ako. "Bakit sayo ba itong sapa para pagbawalan ako? Sa pamilya ko nga hindi ako nagpapaalam , sayo pa kaya?" masungit kong sagot dito habang inaakbay niya ang kamay ko papunta sa balikat niya. Hindi ko mailakad nang maayos ang paa ko dahil nanakit ang balakang ko, mababalian pa ata ako.... kung minamalas ka nga naman oh! "Hindi naman po sa ganun sir, kaya lang po delikado na masyado... Ang sungit naman nito" sagot naman nito sa akin habang dahan-dahan kaming naglalakad pero parang may narinig akong huling sinambit nito "You're saying something?" tanong ko dito "..wala ho sir..ang sabi ko umuwi na po tayo para makapagpahinga ka" palusot nito kaya hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Habang naglalakad napansin ko na topless pala ang lalaking tumutulong sa akin ngayon at tanging shorts lang ata ang naisuot nito mula sa pagtatampisaw sa sapa kanina. Dahil may kapilyuhan akong taglay ay tinry kong pinduting nang unti ang braso nito sa pamamagitan ng kamay ko naka-akbay sa kanya. Holy....ang tigas! May gym ba dito para maging ganito kaganda ang katawan nito? Gusto ko sanang hawakan yung abs niya kaya lang medyo malayo ang kamay ko sa bandang tiyan niya kaya nagtiis na lang ako sa braso nito na mala-troso sa tigas. "Sir Gray, kung gusto niyo pong hawakan yung katawan ko mamaya na po sa bahay ninyo, dahil mahihirapan po kayo lalo na sa paglalakad natin" biglang sabi nito na ikinakaba ko. Nararamdaman niya yun? Parang akong tinakasan ng dugo sa ulo ko at namutla sa sinabi niya. Nakakahiya ka Gray!! Yung image mong astig nawawala. "You know what? Bitawan mo nga ako! Masyado kang conceited at assuming. Bakit naman kita tsatansingan ha? Ang kapal mo din e noh? Don't dare touching me again!!..Para sabihin ko sayo sa dami ng katawan ng lalaki na nakita ko sa New York..walang binatbat ang sayo. Tabi nga diyan , uuwi na lang ako ng mag-isa" mataray kong sabi sa kanya habang inaalis ko ang pagkaka-akbay ko sa katawan niya. Anong karapatan niyang pahiyain ako....I admit....fineel ko lang naman...pero counted ba na tsansing yun? Maglalakad na sana ako palayo sa kanya na nakatingin lang at mukhang nagulat sa kasungitan ko nang bigla naman akong madapa. Unfortunately doon pa ako bumagsak sa putikang bahagi nang daan kaya mas nagdumi pa ako bukod pa sa pagkabasa ng short ko kanina. Sh*T ano ba!!! Malas nang lugar na ito!! Dahil sa pagkakadapa ay hirap talaga akong tumayo ...inexpect ko na tutulungan ako agad ni Mr. Sapa pero nang tignan ko ito ay naglalakad na ito ng diretso palayo sa akin. Talaga bang ganito kagaspang at kainsensitive ang lalaking ito? Grabe ha! "Hey!! wala ka bang balak tulungan ako?" galit kong sigaw sa kanya na medyo malayo na ang kinaroroonan. Huminto naman ito at tumingin sa akin ng wala man lang kaexpre-expression ang mukha. "Ang sabi niyo po kanina ay bitawan ko kayo, kaya binitawan ko na po kayo. Akala ko po kasi ay nadidiri kayo sa akin at ayaw ninyong mahawakan" sagot naman nito sa akin habang nakatayo pa rin siya sa pinagtigilan niya. "Seriously? you're unbelievable! sa tingin mo may ibang tutulong sa akin dito?" galit ko pa ring tanong dito. Walang hiyang lalaking ito gusto pa atang dito ako sikatan ng araw. Alam ko na hindi rin ako mahilig tumulong pero sa kondisyon kong ito na putikan at basang-basa idagdag pa ang masakit kong balakang.....where's your mercy? "so gusto niyong pong tulungan ko kayo?"tanong ulit nito sa akin habang hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan niya. "son of a bitch... oo sana e, pwede ba?" nakangiti kong pakiusap dito habang pilit kong itinatago ang gigil ko sa antipatikong lalaking ito. Mukhang natauhan naman ito at naglakad na sa kinaroroonan ko na hanggang ngayon ay expressionless pa rin. Mabati naman at marunong siyang makaramdam. Sa pag-alalay niya sa akin hanggang sa makapasok kami sa hacienda ay pinili ko na lang na hindi na magsalita dahil baka mamura ko pa tong antipatikong ito. Malapit na kami sa pintuan ng bahay ng makasalubong namin si Ate Gracia na mukhang kanina pa ako hinahanap kasama ang ilang mga kasambahay namin. "Diosko Bunsoy saan ka ba galing? Kanina pa kami nagpapaikot-ikot para lang hanapin ka?" nagaala lang salubong sa amin ni Ate Gracia mula sa pagkakaakbay ko kay Antipatiko. "Dina tulungan mo ko sa pagpasok kay Bunsoy sa looob" utos ni Ate Gracia sa isa sa mga kasambahay habang binibigyan ko nang masamang tingin si Antipatiko na nakatingin lang sa akin. "Ben salamat at nakita mo ang Bunsoy namin...teka nga pala saan mo siya nakita?" baling naman ni Ate Gracia kay antipatiko na Ben pala ang pangalan nang inaalalayan na ako ng dalawang katulong. "Sa sapa ho Ate Gracia, naliligo ho ako nang makita ko doon si Sir Gray...nambo" diretsang sagot nito na kaagad kong pinutol "Naghahanap ako ng signal ate.... yes... this place sucks wala man lang maayos na signal so I had to find place para makakuha ng signal" singit ko sa usapan nila dahilan para bumaling sila sa akin. s**t! Ang kapal talaga ng mukha nito para sabihin pa kay Ate na binobosohan ko siya.. "AY ganun ba Bunsoy? Sige bukas na bukas ay kakausapin ko yung service providers dito tungkol diyan. Mabuti na lamang at nakita ka nitong si Ben kung hindi baka kung ano nang nangyari sayo. Nagpasalamat ka na ba sa kanya?" sabi sa akin ni Ate Ako pa? Sus ni wala nga atang balak yang tulungan ako e so bakit naman ako magpapasalamat diyan? I guess kaya ko din namang tumayo doon kanina eh di sana di niya na lang ako tinulungan. Magkakaroon pa ako ng utang na loob....yan ang pinaka-ayaw ko sa lahat... to owe something sa kahit na sino. "Bunsoy?" untag sa akin ni Ate nang hindi ko siya pinansin. Ang kulit naman ni Ate Gracia e! "What?" irita kong tanong dito dahil sa pagpupumilit nitong magpasalamat sa akin. Si Antipatiko naman ay nakangising nakatingin sa akin ngayon. "Magpasalamat ka Bunsoy" utos sa akin ni Ate Gracia habang parang naghihintay nang nakakaloko si Antipatiko. "...thanks" sabi ko dito bago tumalikod. Ako na nga na-argabyado ako pa ang magtethank-you. Akala ko ba nakwento na ako ni Papang sa mga trabahador nila ,eh bakit parang hindi man lang yun natatakot na isumbong ko siya? Halos sisikat na ang araw pero hindi pa rin ako inaantok...iniisip ko yung Antipatiko na yun. Ugghhh!! Nababakla ka na naman Gray! Bakit kasi ang hot niya? Bakit ang ganda ng katawan niya? Pero turn-off yung ugali niya masyado siyang suplado...payummy akala mo naman kung sino. Hindi ba niya alam na maraming pumipila sa New York para lang pansinin ko at maraming handang mamatay maikama lang ako...kaya wag niya akong paandaran ng ganyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD